Jillian Ward at Jeff Moses, muling pinakilig ang netizens sa isang TikTok video
Patuloy na pinapakilig ng Abot-Kamay Na Pangarap stars na sina Jillian Ward at Jeff Moses ang television viewers at netizens sa kanilang tambalan.
Napapanood sina Jillian at Jeff sa serye bilang sina Dra. Analyn Santos at Reagan Tibayan.
Bukod sa kanilang sweet scenes sa GMA's top-rating series, nakakakilig din ang dalawa kahit off-cam.
Sa latest TikTok video na ibinahagi ni Jeff sa kanyang Facebook account, mapapanood na kasama niya si Jillian habang may lumalabas na mga larawan ng ilang celebrity heartthrobs at tila namimili ang aktres sa mga ito.
Makikita sa video ang throwback photos nina Patrick Garcia, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, John Prats, at marami pang iba.
Sa kalagitnaan nito, matutunghayan na kunwaring nagtampo si Jeff kay Jillian dahil gusto niyang siya ang piliin ng Sparkle star.
Watch on TikTok
Ang netizens na nakapanood na ng video, kilig na kilig sa kanilang dalawa.
Narito ang ilan sa kanilang reaksyon at komento:
Samantala, sa naging panayam noon ng GMANetwork.com kina Jillian at Jeff, sinabi nilang sobrang close sila sa isa't isa.
Inilarawan pa ni Jillian noon si Jeff na supportive raw at masayang katrabaho, habang ang huli naman ay sinabing sobrang gaan katrabaho at sobrang generous ng una.
Patuloy na subaybayan ang kanilang tambalan sa hit inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap DITO:
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA ANALYN AT REAGAN SA GALLERY SA IBABA: