Shanelle Agustin
TV

Shanelle Agustin, nagpapasalamat sa GMA Network sa kaniyang projects

By Maine Aquino
Puno ng pasasalamat si Shanelle Agustin sa GMA Network dahil napabilang siya sa programang 'The World Between Us' at 'Love You Stranger'

Nagpasalamat ang young Kapuso star na si Shanelle Agustin dahil sa mga proyektong ipinagkatiwala sa kaniya ng GMA Network.

Si Shanelle ay gumanap bilang young Lia sa The World Between Us. Ang karakter ni Lia ay ginagampanan na ngayon ni Jasmine Curtis-Smith.

Mapapanood rin si Shanelle sa kaniyang pagganap bilang young Gabbi Garcia sa mystery romance series na Love You Stranger.

Kuwento ni Shanelle, malaki ang kaniyang pasasalamat sa mga proyektong nakukuha sa GMA Network.

Shanelle Agustin

Photo source: @shanelleagustin_

"I am so thankful po sa GMA dahil binigyan nila ako ng opportunity na magkaroon ng work ngayong pandemic."

Saad pa ni Shanelle, isang blessing ang magkaroon ng malalaking projects ngayong 2021.

"Binigyan nila ako ng ganito kalaking project kaya I am so blessed po talaga ngayong year."

Sa kaniyang video sa A Day in the Life, ibinahagi ni Shanelle ang kaniyang experience sa programang The World Between Us.

"Sobrang saya ng experience ko dito sa aking lock in taping sa 'The World Between Us' dahil bukod sa sobrang bait ng buong prod (production), lalo na si Direk Dominic Zapata.

Dugtong pa ni Shanelle, sa kaniyang pagganap bilang young Lia, nakita niya rin ang kabaitan ng ilan sa kaniyang mga co-actors.

"Sobrang bait rin ng mga co-actors ko lalo na po sina Ms. Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, sobrang good vibes lang po sila sa set kaya hindi po kami nahirapan or ako na mag-work.

Saad rin ng young Kapuso actress na marami siyang natutunan dahil sa proyektong ito.

"Marami po akong natutunan na magagamit or magagawa ko sa iba ko pa pong project."

Excited na si Shanelle sa isa pa niyang show na Love You Stranger.

"Abangan n'yo rin po ako sa 'Love You Stranger' dahil gaganap po ako doon as young Gabbi Garcia. Mag-start na po ulit kami for our second lock in so sobrang excited rin po ako doon."

Sa kaniyang pagbabalik taping ay excited na rin si Shanelle na maka-bonding ulit ang kaniyang kasamahan sa programang Love You Stranger.

"Sobrang bait din po ng buong prod lalo na po sina ate Gabbi. Binigyan po nila ako ng tips and advice noong first lock in namin kaya excited na po ako makita ulit sila."

Panoorin ang video ni Shanelle sa A Day in the Life.

RELATED CONTENT:

Shanelle Agustin earns praises from netizens by portraying young Lia in 'The World Between Us'

Shanelle Agustin, thankful na mapasama sa primetime series na 'The World Between Us'

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.