Mangungulila si Amihan sa pagkawala ni Lira.
Umaasa pa kaya si Amihan na muli niyang makakapiling ang anak?
Kahit matapang si Amihan ay hindi pa rin niya kayang tanggapin na wala na si Lira.
Pilit papagaanin ni Ybarro ang loob ni Amihan.
Tutungo ang nagbagong-anyong Lira sa kuta nina Amihan.
Makikilala kaya si Lira kahit malaki na ang ipinagbago ng kanyang wangis?
Makikipagkasundo si Pirena kay Hitano upang pabagsakin si Hagorn.
Magagalit si Alena kay Pirena dahil hindi pa naghihilom ang sugat na dulot ng ginawang panloloko sa kanya ni Hitano.
Susubukang hanapin ni Cassiopea si Lira.
Walang kaalam-alam si Hagorn na mayroong mga nais na magpabagsak sa kanya at kabilang dito ang asawang si LilaSari.