WATCH: Gabby Concepcion at Janice de Belen, naniniwala sa forever?
Makalipas ang halos tatlong dekada, balik-tambalan sa Magpakailanman ang '80s love team at dating magkasintahan na sina Gabby Concepcion at Janice de Belen.
Kahit hindi sila nagkatuluyan sa totoong buhay, nanatiling magkaibigan at in good terms ang dating matinee idol at '80s Teen Drama Princess kaya bukas pa rin silang makatrabaho ang isa’t isa sa mga proyekto.
Bago pa man magkita ang dalawa sa set, alam na ni Janice kung sino ang kanyang makakatambal habang clueless naman si Gabby sa kanyang leading lady.
“Sa totoo lang, hindi ko naman talaga inalam kung sino ang leading lady ko dahil ang sabi din sa akin ‘surprise,’” kuwento ng aktor sa Unang Hirit ngunit nang malama niya kung sino, “Mas lalong okay, siyempre [kasi] wala naman kaming problema.”
Ayon naman sa beteranang aktres, “Siyempre [inalam ko], mapili din kasi ako so sinabi rin kaagad sa akin. Siguro, it’s really [a] formality so that kung okay ka to work with the person. Okay naman sa akin.”
Naniniwala naman kaya sila sa konsepto ng “forever?”
Mabilis na sagot ni Janice, “May forever, hindi lang ako involved.”
Kinuwestiyun naman ng gwapong actor ang pananaw ng kanyang leading lady, “Ows? Ang point of view ko diyan ay depende iyan. Case to case basis ang forever na iyan sa bawat tao, ‘di ba?”
Huwag palampasin ang pambihirang pagtatambal ng ating minahal na love team noon bilang sina Ariel at Babes sa Magpakailanman ngayong Sabado (June 24).