Filtered By: TV
TV

WATCH: Jennylyn Mercado, simple lang ang plano para sa Father's Day

Updated On: June 13, 2017, 03:38 PM
Matatandaang April ngayong taon nang sunduin niya ang kanyang biological father na si Noli Pineda mula sa South Korea para manirahan kasama niya. 

Hindi papalampasin ni Ultimate Star Jennylyn Mercado na mag-celebrate ng Father's Day ngayong taon kahit busy pa siya sa taping ng kanyang hit GMA Telebabad series na My Love From The Star.

Matatandaang April ngayong taon nang sunduin niya ang kanyang biological father na si Noli Pineda mula sa South Korea para manirahan kasama niya. 

"Baka dinner lang kasama 'yung buong family," paglalarawan niya sa simpleng Father's Day plan niya. 

Samantala, ibinahagi din niya ang maaaring asahan ng mga manonood sa kanyang My Love From The Star character na si Steffi. 

"Ang dami nang nagagalit sa kanya. Ang dami nang lumalabas na mga chismis. Abangan nila 'yung struggle ni Steffi kasi ang daming mangyayri sa buhay niya," ani Jen. 

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras. 

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.