Filtered By: TV
Al Tantay: Hindi sanay maging mayaman
Published On: June 20, 2014, 12:26 PM
Updated On: February 22, 2020, 09:03 PM
Gumanap siya bilang isang mayamang Don sa 'Villa Quintana.' Bakit mas gusto ni Al Tantay ang kanyang role sa upcoming Telebabad series na 'My Destiny' bilang isang simpleng ama?
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Si Don Manolo ay isa sa mga role na tumatak sa mga sumubaybay sa Afternoon Prime series na Villa Quintana. Una itong ginampanan ng namayapang si Roy Alvarez, at sinalo naman ni Al Tantay, na muling mapapanood sa upcoming primetime drama na
My Destiny.
Aminado ang batikang aktor na nahirapan siyang bigyang buhay ang role na ito sa maraming dahilan.
"Nahirapan ako sa Villa Quintana kasi hindi ako sanay na mayaman. Hindi ako sanay na Don, although pinilit kong gawin 'yung makakaya ko roon. Ang hirap doon sa Villa Quintana kasi namana ko 'yung role eh. Mayroon akong kailangang pantayan," paliwanag niya.
Dito naman sa My Destiny ay siya ang gaganap bilang ama ng karakter nina Carla Abellana at Rhian Ramos, kaya mas madali raw ito para sa kanya.
"Tong role ko rito is a father. Eh tatay ako eh. Doon sa Villa Quintana, lolo, kaya hindi ko pa masyadong abot. Tingin ko naman, nagampanan ko naman pero ito mas feel ko 'yung tatay kasi 'yun talaga ang role ko ngayon sa totoong buhay."
In reference to his character, may pinagkaiba pa rin naman daw ito sa kanya. "?Medyo malayo, kasi hindi ma-drama ang buhay ko. Medyo comedy kasi ang buhay ko. Hindi pa kasi ako nagkakaroon ng ganung katinding experience."
Grateful din si Al na nakasama siya sa teleseryeng ito. "Siyempre masaya. Unang una, mapasama ka doon sa ganung kalaking cast. First time ko ring makatrabaho ang iba sa kanila."
Don't miss My Destiny, coming this June on GMA Telebabad.