Filtered By: Celebrity Life | News
Celebrity Life

Ang bagong bahay at buhay ni Ryzza Mae

Updated On: February 29, 2020, 05:54 AM
“Ito po yung pangrap ko, pangarap ng mama ko at ng mga kapatid ko na magkaroon ng maayos na bahay,” - Ryzza Mae Dizon
By MARY LOUISE LIGUNAS

Pinakita ni Little Miss Philippines 2012, at award-winning host at actress na si Ryzza Mae Dizon sa mga Dabarkads ang kanyang bagong bahay.

“Ito po yung pangrap ko, pangarap ng mama ko at ng mga kapatid ko na magkaroon ng maayos na bahay,” sabi niya sa The Ryzza Mae Show.

Bagong kotse



Pagpasok ng gate ay unang nakita ang bagong kotse ni Aling Maliit. Dito daw siya nakakapagpahinga habang biyahe papuntang trabaho. Iba daw ito sa nakasanayan niya bago siya sumali ng Little Miss Philippines, dalawang taon na ang nakalipas.

“Dati po, nag-ta-tricycle lang kami saka jeep. Jeep po, LRT… minsan po kinakandong lang ako ng nanay para libre pamasahe. Ngayon po, natupad na po 'yung pangrap ko na [magkaroon ng] magandang sasakyan,” kuwento niya.

Maluwag na sala



Hindi pa rin makapaniwala ang mag-inang Rizza at Ryzza Mae na may magandang bahay na sila. Sabi ni Ryzza na napapanood lang niya sa TV ang ganun kaganda at kalinis na bahay noon. “Pagkapasok ko po parang ito po 'yung napapanood ko sa mga teleserye… Maganda, maliwanag, maraming ilaw,” sabi niya.

Noon daw ay tabi-tabi sila matulog at buong bahay na nila ang sala nila ngayon. “Yung dati po, maliit lang po. Maliit lang po talaga 'yung bahay namin. Tabi-tabi po kami matulog. 'Yung upuan nga namin, ano lang eh, kawayan,” pag-alala ni Ryzza.

Magandang kusina



Dahil mahilig kumain si Aling Maliit, importante daw ang kusina at dining room. “May microwave kami, may kalan din kami dito. Dito [si Mama] nagluluto ng paksiw, adobo. May ilaw pa po 'yung kalan namin,” masayang sabi niya. Kahit may kaya na siya, pareho pa rin ang kanyang mga paborito – adobo at sardinas.

Hindi na nagugutom ang child star ngayon. Kabaligtaran ito ng karanasan niya nang siya’y mag-audition para sa Little Miss Philippines. “Nung audition, nagugutom po ako pero tinitiis ko na lang po kasi hindi pa po ako tinatawag nun. Sabi po ng mama ko, 'yung pera daw namin, pamasahe lang daw po so tiniis ko na lang po. Naglalaro na lang po ako,” kuwento niya.

Kumportableng kwarto



Kung dati ay sa semento lang sila natutulog at carton at banig ang sapin nila, ngayon ay may maganda at malaking kwarto na sila. Madaming lalagyan ng mga laruan at may study area pa.

Marami sa laman ng kanyang kwarto ay regalo ng kanyang mga naging guest. May Hello Kitty collection siya mula kay Susan Roces, malaking teddy bear mula kay Ate Vi, at isa mula kay Vice Mayor Isko. Binigyan rin siya ng violin ni Foreignay Shine Kuk at ng laptop ni Dr. Calayan.

“Marami pong nagreregalo sa ‘kin kaya po nag-the-thank you ako sa lahat ng mga Dabarkads, Thank you po sa mga regalo niyo. Tinatabi ko po lahat ‘to,” pasasalamat niya.

Bagong buhay



Answered prayer daw ang bagong bahay ni Ryzza. “Noon, kapag tumutlo 'yung bubong namin, lagi po ako nangangarap. Nagdadasal po ako na sana po magkaroon kami ng bahay tulad po nito. Kahit nga po maliit lang, basta bahay, okay na po kami,” sabi niya.

Ngayon, ang pinagdadasal naman ni Ryzza ay tuloy-tuloy na blessings, at good health para sa kanyang mga minamahal. “Unang una po, nagpaapsalamat ako kay Jesus sa maraming maraming blessings na binibigay niya po sakin at pinag-pe-pray ko rin po na lagi niya ko bantayan. Huwag po ako magkakasakit. Saka po mga kapatid, mama ko, papa ko, 'wag sila magkaaksakit. Sana po laging may Eat Bulaga saka The Ryzza Mae Show,” aniya.


Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.