Miguel Tanfelix, nami-miss ang pagpasok sa regular school
Masaya man daw ngayon si Miguel sa takbo ng kanyang career, aminado ang young actor na nanghihinayang siya dahil hindi niya na-e-experience ang college life.
By MARAH RUIZ
First year college sa kursong entrepreneurship sa De La Salle University si Kapuso cutie Miguel Tanfelix.
Dahil sa kanyang mga showbiz commitments, hindi siya pisikal na pumapasok sa paaralan. Naka-enrol si Miguel sa Integrated Virtual Learning Environment kung saan maaari siyang kumuha at magsumite ng kanyang mga requirements online.
READ: Miguel Tanfelix shows support for the De La Salle Green Archers
"Meron siyang tinatawag na Portal. Doon na inu-upload 'yung mga homework, mga assignments, 'yung quiz. Nag-quiz ako noong isang araw," paliwanag ni Miguel sa isang eksklusibong panayam sa GMANetwork.com
Pero kung siya daw ang tatanungin, nami-miss daw niya ang pagpasok.
"Pero mas maganda kung makakapasok ka sa [school]. Kunwari may hindi ka maintindihan na topic, pwede mong itanong sa teacher," ayon dito.
Aminado ang binata na nanghihinayang siyang hindi niya mararanasan ang college life na nae-experience ng mga ka-edad niya ngayon.
"College 'yun eh! 'Yung college life, eh 'yun 'yung masaya eh. Independent ka dito eh," kuwento ni Miguel.
Pero masaya naman daw si Miguel sa takbo ng kanyang showbiz career. Lalo pa siyang natutuwa na naisasabay niya sa pag-aartista ang pag-aaral.
"Pero gusto ko din naman 'yung ginagawa ko eh. Napagsasabay ko naman siya," ani Miguel.
WATCH:'Wish I May', soon on GMA
Balik drama si Miguel, pati na ang ka-love team niyang si Bianca Umali, sa Wish I May. Abangan ito sa GMA!