Mark Herras, naghayag ng pagmamahal para sa yumao niyang ina
Nagbigay ng pahayag si Mark Herras kaugnay sa yumao niyang ina. Pumanaw si Jasmin Santos dahil sa cardiac arrest noong April 12.
Inilabas ng Kapuso actor ang kanyang saloobin sa kanyang Instagram posts.
READ: Wyn Marquez, nakiramay sa pagpanaw ng ina ni Mark Herras
“Mahal na mahal ka namin mama,” aniya.
Ibinahagi rin niya ang isang lumang litrato kasama ang kanyang nanay.
A photo posted by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on
Bigyang-diin niya, “I will love you forever mama… Mamimiss ka namin… Mahal ka namin ma.”
“Alam ko sobrang okay ka na dyan kasama sila mamang at daddy… Love you ma,” patuloy niya.
Kahapon, April 19, ang huling gabi ng burol ng ina ni Mark. Samantala, ang kanyang Daddy Jun ay sumakabilang-buhay noong July 28, 2014.
READ: Mark Herras, nagluluksa sa pagkamatay ni Daddy Jun
MORE ON MARK HERRAS:
READ: Mark Herras tells Wyn Marquez, “I love you”
LOOK: Mark Herras, among the loyal Kapuso stars