WATCH: Arraignment ni Mark Anthony Fernandez, ipinagpaliban
Ipinagliban ang pagbasa ng sakdal kay Mark Anthony Fernandez matapos maghain ang kanyang kampo ng mosyon kaugnay ng kanyang pagkakaaresto sa Angeles, Pampanga.
Ipinagliban ang pagbasa ng sakdal kay Mark Anthony Fernandez matapos maghain ang kanyang kampo ng mosyon kaugnay ng kanyang pagkakaaresto sa Angeles, Pampanga.
Ibinalita sa 24 Oras na kahapon ng umaga, October 6, dinala ang aktor sa Metropolitan Trial Court (MTC) sa Angeles City para dumalo sa arraignment ng kanyang kasong simple resistance at disobedience. Kasama ni Mark Anthony ang kanyang live-in partner at dumating din ang kanyang inang si Alma Moreno at dalawang half-brothers.
Sa MTC branch 1, nagsumite ng motion to suspend proceedings ang kampo ng aktor kaya hindi natuloy ang kanyang arraignment. Hiling kasi nilang magkaroon ng reinvestigation tungkol sa pagkakadakip ni Mark Anthony.
Pagkatapos nito, lumipat sila sa RTC branch 60 para sa arraignment ng kanyang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Nagsumite muli ng parehong mosyon ang kampo ng aktor kaya ipinagpaliban din ang arraignment dito.
Ani Atty. Sylvia Flores, abugado ni Mark Anthony, “We filed our motion, motion for preliminary investigation. The other one is for the purpose of filing motion for reconsideration with MTC.”
Naghain din sila ng mosyon sa parehong korte para agarang malipat si Mark Anthony mula sa station 6 ng Angeles PNP papuntang Pampanga Provincial Jail. Puno na kasi ang Angeles City Jail at ang provincial jail sa San Fernando ang pinakamalapit na pwedeng paglipatan ng aktor.
Pagkatapos ng pagdinig, magkahiwalay na lumabas si Mark Anthony at ang kanyang ina. Ayon sa ulat, wala pang bagong petsa kung kailan matutuloy ang arraignment ng aktor.
Video from GMA News
MORE ON MARK ANTHONY FERNANDEZ:
WATCH: Alma Moreno, naging emosyonal nang bisitahin ang anak na si Mark Anthony Fernandez