Filtered By: Celebrity Life | News
Jonalyn Viray on working with Aljur Abrenica: "Sobrang nakakatuwa siyang katrabaho"
Published On: October 29, 2013, 08:50 PM
Updated On: March 8, 2020, 10:00 PM
Ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica ang leading man ni Jonalyn Viray sa music video ng Help Me Get Over, na naging isa sa mga theme songs ng hit primetime series na My Husband's Lover. Ano kaya ang masasabi ni Jonalyn tungkol sa Kapuso hunk?
Ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica ang leading man ni Jonalyn Viray sa music video ng Help Me Get Over, na naging isa sa mga theme songs ng hit primetime series na My Husband's Lover. Sobrang thankful si Jonalyn na napasama sa show ang kanyang kanta, na para sa kanya ay malaki ang naitulong para maging hit song ito.
We had the chance to talk with Jonalyn during the One More Try: My Husband's Lover The Concert where she performed alongside Kyla, Maricris Garcia, Aicelle Santos for a Barbara Streisand medley. Kinanta rin niya ang Help Me Get Over na talaga namang tinilian ng buong Araneta Coliseum.
Hindi tinatago ni Jonalyn ang saya nang tanungin namin kung ano ang nararamdaman niya nang mapabilang ang kanyang kanta sa mapangahas na Telebabad show. "Sobrang thankful po ako at napili ang Help Me Get Over. Alam naman po natin kung gaano kasikat ang My Husband's Lover at para mapasama ang kanta ko doon, sobrang saya ko talaga."
Tinanong din namin ang dating Pinoy Pop Superstar grand champion kung kamusta katrabaho si Aljur. "Naku, sobrang nakakatuwa siyang katrabaho. Sobrang gaan niya katrabaho."
Aniya, very supportive ang Prinsesa ng Buhay Ko star sa kanilang mga eksena. "Siyempre sa music video na ginawa namin, hindi lang po kasi ako plain singing. Mayroong storya 'yung video so kailangan din ng kaunting acting. Eh sabi ko po sa kanya, hindi ako sanay. So 'yun po, tinulungan niya ako kung paano ba mag-adjust. Napakamatulungin niya po. At saka hindi po siya mareklamo. 'Yun po ang nakakatuwa sa kanya."
What's next for Jonalyn?
"Actually, ngayon po we're planning to do a concert for my eighth year in showbiz. So abangan lang po nila 'yun."
May new songs din daw siya na malapit nang i-release. "Yes, yes! Kasi mayroon pa po akong mga songs sa album na hindi pa po nalalabas so hindi ko pa po alam kung kailan talaga 'yung exact date of launch ng bagong single. Pero abangan lang po nila 'yun kasi lahat po talaga ng songs sa album ko sobrang pinili po namin para lahat magaganda."
Catch Jonalyn Viray on Sunday All Stars every Sunday before Dormitoryo. For the latest news on Jonalyn and other Kapuso stars, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Trending Articles