WATCH: Carla Abellana, pinagkaguluhan sa Vietnam
Lumipad patungong Vietnam ang Kapuso actress para tanggapin ang kanyang award mula sa Face of the Year ng International Media Corp. (IMC).
Talaga ngang paborito ng mga Vietnamese si Carla Abellana nang siya'y pagkaguluhan sa airport.
Lumipad patungong Vietnam ang Kapuso actress para tanggapin ang kanyang award na People's Choice for Best Foreign Actress mula sa 2016 Face of the Year Awards. Noong nakaraang taon, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang tumanggap ng titulo na ito, habang si Marian Rivera ang nanalo noong 2014.
Sinalubong siya ng kanyang mga tagahanga sa airport kung saan pinaunlakan nito ang mga request na magpa-picture at magpa-autograph sa kanya.
Masaya si Carla na dalhin ang pangalan ng GMA Network at ng bansa sa kanyang pagtanggap ng karangalan.
“Malaking karangalan na nga na makatanggap ka ng award dito, what more sa ibang bansa? It doesn’t happen all the time.”
Nag-kuwento rin siya tungkol sa kanyang bakasyon, at sa kontrobersiya na bumaalot sa MMFF entry na Oro sa ulat na ito ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
Video from GMA News
MORE ON CARLA:
Carla Abellana to Tom Rodriguez: "Partners tayo, tulungan tayo sa lahat"