Filtered By: Celebrity Life | News
Abel Estanislao, ibinahagi ang pagsisimula niya sa showbiz at ang kanyang dream role
Published On: February 26, 2014, 03:59 PM
Updated On: February 22, 2020, 10:45 AM
Para kay Abel Estanislao, maituturing niyang big break ang kanyang pagkakasali sa show na 'Teen Gen'. Doon, nakasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Juancho Trivino at Mikoy Morales na co-stars din niya ngayon sa Afternoon Prime series na 'Villa Quintana'.
Para kay Abel Estanislao, maituturing niyang big break ang kanyang pagkakasali sa show na Teen Gen. Doon, nakasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Juancho Trivino at Mikoy Morales na co-stars din niya ngayon sa Afternoon Prime series na Villa Quintana.
Ibinahagi ni Abel ang nakakatuwang simula niya sa showbiz, “pagpasok ko sa Artist Center, may audition para sa Teen Gen, so nag-try ako. Ayun callback ng callback hanggang paunti kami ng paunti. Parang one day nagtext na lang sa akin 'yung handler ko na pasok ako sa Teen Gen. Ayun, nasa sinehan ako noong naiyak ako. Nanonood ako ng action film, si James Bond. Paglabas namin ng sinehan nagulat sila bakit ako umiiyak, 'yun pala tanggap na ako.”
Mula sa Teen Gen, napasama si Abel sa Villa Quintana. Kaya’t inalam ng GMANetwork.com kung ano ang difference ngayon na ginagampanan niya ang role na Miggy.
“Medyo kailangan baguhin 'yung character kasi kasama ko si Mikoy and Juancho 'e. Baka maging Teen Gen na naman 'yung character. Kami ni Juancho magkasama kami tapos kaaway namin ngayon si Mikoy. So ibang-iba yung character talaga. 'Di katulad dati na magkakasama kami, ngayon kailangan namin i-seperate 'yung character sa Teen Gen sa Villa Quintana. Pero masaya naman kapag magkakasama kami.”
Nakakatuwa namang ibinahagi ni Abel na isa sa dream roles niya ay ang maging bida/ kontrabida. Aniya refreshing umano ito sa kanyang roles na ginagampanan.
Sausaping dream project naman, lumabas ang pagkahilig ni Abel sa mga kotse. Aniya gusto niya maging bida sa isang kakaibang action film.
“Gusto ko gumawa ng movie na parang Fast and The Furious, kasi parang walang gumagawa dito ng ganoon 'di ba? 'Yung mga movies natin parang paulit-ulit lang,” pahayag niya.
Abangan si Abel Estanislao bilang Miggy sa Villa Quintana, Monday to Friday pagkatapos ng Eat Bulaga.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Related Videos
EXCLUSIVE VIDEOS