TV

Andrea Torres, na-inspire mag-culinary classes dahil kay Isay

Updated On: April 15, 2020, 09:55 AM
Bukod sa pagiging artista, isa rin pala sa gustong gawin ng Kapuso actress na si Andrea Torres ay ang matutong magluto. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto niya ang kanyang role bilang Isay sa With A Smile.

Bukod sa pagiging artista, isa rin pala sa gustong gawin ng Kapuso actress na si Andrea Torres ay ang matutong magluto. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto niya ang kanyang role bilang Isay sa With A Smile. In an exclusive interview with GMANetwork.com on the set of the said morning series last July 9, Andrea candidly shared about her relationship with her co-stars and her love for cooking.

"Very happy ang set, nakita niyo naman. Makukulit lang lahat. Mabilis kami, at saka bawat eksena talagang smooth na nagagawa. Laging ganito kaya ang saya mag-taping kasi nae-enjoy mo, ang mga kasama mo nakakasundo mo, tapos very positive lang ang lahat," a very bubbly Andrea shares.

We also asked about her working relationship with one of her leading men Mikael Daez, na dati na niyang nakapareha sa Sana Ay Ikaw Na Nga. "Mas kumukulit, mas nagiging close kami kasi siguro may time na mag-chikahan, Kasi noon sa SAINN [Sana Ay Ikaw Na Nga], palagi kaming heavy scenes so siyempre minsan kailangan mo ng space para mag-internalize, at mas marami rin kaming scenes at that time. Ngayon laging playful, kapag may mga times na hindi pa kami kinukunan, nagkukuwentuhan kami. At very comfortable na kasi 'yan sa akin, kung biruin ako niyan grabe, wagas!"

She is also happy to find a new friend in Christian Bautista. "Si Christian magaan talagang kasama, kasi makuwento tapos lagi ka niyang inaalalayan, lagi niyang tinatanong kung okay ka. Maganda kasi alam mong nag-gain ka ng panibagong friend sa soap na 'to. Very sincere kasi si Christian."

Andrea also mentioned that she has always wanted to learn how to cook, and that she is just waiting for the right mood and time to take formal culinary classes. So far, With A Smile has given her the chance to pick up some cooking tips.

"Nakaka-try naman ako na paghaluin 'yung baboy with my hands, na hindi ko usually nagagawa. 'Yung tamang pagpiga ng calamansi, ganun pala 'yun. Hindi lang 'yung basta ganyan, talagang dudurugin mo. Siyempre kapag 'yung mga viewers natin marunong magluto, makikita nila kung 'yung ginagawa mo fake o tama," she explains.

The pretty actress eventually revealed what she wanted to be when she gets older. "Gusto ko pagtagal, kapag medyo matanda na ako, gusto ko ako 'yung housewife. Gusto ko marunong ako sa lahat, mga gawaing bahay. Nae-enjoy ko rin 'yung pagiging Isay kasi ganun siya, tumutulong siya kay Aston sa mga gawaing bahay. At least ngayon medyo natututunan ko na paano ba magkusot, 'yung mga little things na ganun."

Abangan si Andrea Torres bilang Isay sa With A Smile, weekday mornings before Unexpected You. You can also catch her every Sunday in Sunday All Stars as part of Team Tweet Hearts. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.