TV

Get up close and personal with the cast of 'Villa Quintana' via GMANetwork.com Live Chat

Updated On: March 4, 2020, 03:55 PM
Mga Kapuso, grab the chance na maka-bonding ang cast ng Villa Quintana na sina Elmo Magalona, Janine Gutierrez, Juancho Trivino, Mikoy Morales, and Rita de Guzman! Get up close and personal with them through the GMANetwork.com Live Chat on Thursday, January 9, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time).

Mga Kapuso, grab the chance na maka-bonding ang cast ng Villa Quintana na sina Elmo Magalona, Janine Gutierrez, Juancho Trivino, Mikoy Morales, and Rita de Guzman! Get up close and personal with them through the GMANetwork.com Live Chat on Thursday, January 9, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time).

Here’s the chance to ask your questions sa pinakamaingay na love team ng Afternoon Prime ngayon na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Kung sa Villa Quintana ay pilit silang pinaglalayo sa isa’t isa, sa darating na GMANetwork.com live chat ay hinding-hindi sila mapaghihiwalay.

Ginagampanan ni Elmo ang character ni Isagani at si Lynette naman ang kay Janine Gutierrez. Dahil sa away sa pagitan ng kanilang mga pamilya ay kinakailangan nilang itago ang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Dumating pa nga sa puntong pinag-aral ng mga Quintana si Lynette sa Maynila para hindi na sila magkita ni Isagani. Pero lalo lang pala silang napalapit dahil sa Maynila rin pala nag-aaral si Isagani.

Sa Maynila, kasama ni Isagani si Boknoy, ang ginagampanan ni Mikoy Morales. Siya ang tumatayong best friend ni Isagani at kasama niya sa pagtatrabaho sa isang pizzeria. Si Boknoy ang tangi niyang kakampi sa tuwing inaaway siya ng barkada ni Jason.

Ang gumaganap naman na Jason ay si Juancho Trivino. Napakasama ng ugali ni Jason dahil lagi niya na lamang ipinapahamak si Isagani. Mayroon pa ngang pagkatataong binugbog niya ito na naging sanhi ng pagkakakulong niya. Pero dahil makapangyarihan ang mga Quintana, napawalang-sala si Jason. Lalo lang umigting ang galit niya kay Isagani nang maranasan niyang makulong.

Isa pang hindi sumasang-ayon sa pag-iibigan nina Isagani at Lynette ang character ni Patrice na ginagampanan ni Rita de Guzman. Mayroon kasi itong pagtingin kay Isagani. Bata pa lamang ay sobrang close na niya sa kaniyang Ate Lynette. Pero nagkalamat ito nang maramdaman niyang nagkakamabutihan ang kaniyang ate at ang taong mahal niya.

Kung tutol na ang lahat sa pag-iibigan nina Isagani at Lynette, ipaglalaban pa rin ba nila ang kanilang pag-ibig? O tuluyan na ba silang lalayo sa isa’t isa? Patuloy na subaybayan ang Villa Quintana.

Pero bago niyo pa malaman ang sagot sa mga tanong na ito, samahan muna natin ang cast ng Villa Quintana na sina Elmo Magalona, Janine Gutierrez, Juancho Trivino, Mikoy Morales, and Rita de Guzman sa GMANetwork.com Live Chat ngayong Thursday, January 9, from 3:00 p.m. to 5:00 p.m. (Philippine time). Just log on to www.gmanetwork.com/livechat to be part of this exclusive event.
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.