TV

'Villa Quintana', bonding time ni Mikoy Morales at ng 'Teen Gen' boys

Updated On: October 15, 2020, 07:14 PM
Bukod kay Kapuso actor Elmo Magalona, napapanood din natin sa 'Villa Quintana' ang lalaking bagets na sina Mikoy Morales, Juancho Trivino at Abel Estanislao. Pero di tulad sa show na nagbubugbugan sila, nagre-reunion ang tatlo sa tapings ng Afternoon Prime soap.

Bukod kay Kapuso actor Elmo Magalona, may lalaking bagets din tayong napapanood sa GMA Afternoon Prime soap na Villa Quintana tulad nina Mikoy Morales, Juancho Trivino at Abel Estanislao.

Una nating nakitang magkakasama sina Mikoy, Juancho at Abel sa weekend show na Teen Gen at kasama ang original cast ng T.G.I.S. na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews.

Pagkatapos ng Teen Gen ay nagkahiwalay sila dahil nagkaroon sila ng kani-kaniyang projects. Si Mikoy ay naging cast ng With A Smile samantalang si Juancho ay naging
mainstay ng Bubble Gang. Si Abel naman ay nakasama sa Afternoon Prime show na Maghihintay Pa Rin.

Makalipas ang anim na buwan, halos magkakasabay silang lumabas sa Villa Quintana noong lumaki na ang mga bidang sina Isagani (Elmo Magalona) at Lynette (Janine Gutierrez).

Naunang lumabas onscreen si Juancho Trivino bilang Jason, ang mortal na kaaway ni Isagani. Matalik niyang kaibigan sa show si Abel Estanislao na gumaganap naman na Miggy. Sila ang nagpapahirap sa buhay ni Isagani dahil lagi nila itong inaaway.

Kakampi naman ni Isagani si Boknoy, ang character ni Mikoy. Kumbaga, Isagani at Boknoy versus Jason at Miggy.

Madalas nag-uumpisa ng gulo sina Jason at Miggy, na siya ring nananalo dahil nabubugbog nila sina Isagani at Boknoy.

Pero ayon kay Mikoy, malayong-malayo sa ginagampanan nilang characters ang kanilang samahan off cam dahil kabarkada talaga niya sina Juancho at Abel. Todo bonding nga raw sila sa tapings ng show.

“Fun siya lately kasi puro kainan na naman kasi nakakasama ko na si Juancho at saka si Abel. Tapos tuwing naroon sila laging may dalang food, tapos puyat, tapos humihiga kami sa baon naming taping chairs so ang lalaki talaga ng tiyan namin (laughs),” saad ni Mikoy.

Kuwento pa ng Protégé Season 2 alumnus sa GMANetwork.com: “Kapag off-cam, lagi kaming may dalang laptop saka speakers. Tapos nakakatawa kasi 'yung set-up namin lagi ay taping chairs, tapos may table, tapos puro food sa tabi namin, tapos nasa harap namin 'yung laptop. Nanonood lang kami ng movie, minsan sa tent, minsan sa stand by area naming.”

Sa huli, sinabi ni Mikoy na sobrang gaan ng trabaho niya ngayon dahil nasa tabi niya lang ang matatalik na kaibigan. “Actually parehas sila na parang despite the harshness in the industry, parang sila 'yung few of those people na tao pa rin, na hindi nagbago. Personal friends talaga.”

Patuloy na subaybayan si Mikoy Morales kasama sina Juancho Trivino at Abel Estanislao sa Villa Quintana, weekdays after Eat Bulaga on GMA Afternoon Prime.

– Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.