Bakit natulala si Andrea Torres kay Mike Tan?
Todo puri si Andrea sa kanyang leading man dahil sa galing at professionalism na ipinakita ng aktor.
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Bago pa man sila nagsama sa Afternoon Prime series na The Millionaire's Wife ay nagkatrabaho na sina Andrea Torres at Mike Tan sa isang episode ng Magpakailanman.
Pero kahit hindi nila first time to be together onscreen ay natulala pa rin daw ang Kapuso actress sa kanyang leading man.
READ: Mike Tan, walang ginamit na peg para kay Ivan ng 'The Millionaire's Wife'
"Natulala ako sa kanya kasi andami-dami niyang luha. Ewan ko ba kung may pinagdadaanan siya (laughs). Sobrang galing niya and lagi akong may nakukuha from him, nadadala ako," kuwento ni Andrea sa entertainment reporters sa press conference ng The Millionaire's Wife.
Todo puri rin siya sa galing at professionalism ng aktor.
"Sobrang daling katrabaho. Minsan nga hindi na ako masyadong nagpe-prepare sa scene kasi kapag ginagawa niya, parang totoo na rin ang lumalabas sa akin."
READ: Paano pinaghandaan ni Andrea Torres ang pagiging ina sa 'The Millionaire's Wife?'
Mapapanood ang The Millionaire's Wife pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON ANDREA TORRES:
Andrea Torres, aminadong mahirap sundan ang kanyang unang men's magazine cover
Jaclyn Jose believes Andrea Torres can be a great actress