TV

Mel Martinez, umaming big fan ng tambalang Jean Garcia at Eula Valdez

Updated On: March 10, 2020, 06:44 PM
Ayon kay Mel, sobrang excited na daw siya dahil after almost 15 years ay masasaksihan na naman niya ang paghaharap ng dalawang veteran actresses.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

“Sino ba naman ang hindi nakapanood ng tarayan nina Amor Powers at Claudia Buenavista noon,” bungad ni The Half Sisters star Mel Martinez nang tanungin namin kung naging fan ba siyang ng team up nina Jean Garcia at Eula Valdez noon.

Ang tinutukoy ni Mel ay ang sikat na teleserye noon kung saan ginampanan ng ngayo’y Afternoon Prime stars na sina Jean at Eula, ang dalawa sa mga hindi malilimutang kontrabida characters sa telebisyon.

Last week lang pumasok si Eula sa nangungunang Afternoon Prime soap bilang si Ysabel Zuniga. Ayon kay Mel, excited na excited daw siya dahil after almost 15 years ay masasaksihan na naman niya ang paghaharap ng dalawang veteran actresses.

“Oo, sobrang fan talaga ako ng team-up nila,” pag-amin ni Mel.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin alam ni Mel kung ano talaga ang role ni Eula sa The Half Sisters. Aniya, “Sa ngayon kasi [ay] parehong mabait sina Rina (Jean) at Ysabel (Eula) sa istorya kaya hindi ko alam kung paano sila mag-aaway.”

Dagdag pa niya, “Puwede kasi na kami ni Rina ang maging masama at awayin namin si Ysabel. Basta, kahit kami [ay] excited kung sa paanong paraan sila magsasalpukang dalawa.”
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.