Lorna Tolentino on breakup of son, Renz and Maxene:
Published On: April 22, 2013, 03:17 PM
Updated On: September 9, 2020, 08:01 AM
In an interview with Startalk TX, kinumpirma ni Lorna Tolentino na hiwalay na anak nila ni Rudy Fernandez na si Renz sa girlfriend nitong si Maxene Magalona.
In an interview with Startalk TX, kinumpirma ni Lorna Tolentino na hiwalay na anak nila ni Rudy Fernandez na si Renz sa girlfriend nitong si Maxene Magalona.
"Kung ano man 'yung nangyari sa kanila, alam ko magkaibigan pa rin [sila]. Hindi naman mawawala 'yung friendship. Maganda 'yung paghihiwalay [nila]. Hindi siya kailangan na may away," shares the grand slam actress.
She also clarifies that there was no third party involved in the breakup, and it was a mutual decision between Renz and Maxene. "Wala, walang third party. Decision lang nila talaga. Kasi sa kanilang dalawa na 'yun. Sabi nila magkaibigan na lang sila, okay lang din sa akin 'yun."
Mula nang lumabas ang bali-balita na nagkakamabutihan ang dalawa ay naging very vocal si LT na gusto niya si Maxene para kay Renz. Nanghihinayang ba siya ngayon na nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa?
"Kasi hindi naman natin masasabi talaga, mga bata pa naman sila. Ngayon hindi rin natin masasabi, malay natin kapag mas nasa tamang age na sila, sila pa rin pala. Ma-discover mo na para sila talaga sa isa't isa. If they are meant to be, eh di sila talaga," she says. -- -- Michelle Caligan, GMANetwork.com