TV

‘Once Upon a Kiss’ begins this January 5!

Updated On: March 18, 2020, 09:48 PM
Malayo ang roles nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali rito kumpara sa 'Niño.'
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sa Lunes, January 5, na magsisimula ang pinakabagong Primetime offering ng Kapuso Network na Once Upon A Kiss.

Ayon sa mga bagong Kapuso tween royalty at bida na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, nag-prepare daw sila nang husto para sa bago nilang drama project.

Si Miguel daw kailangang maging believable ang bago niyang karakter na malayo sa role niya sa Niño.

Saad ni Miguel, “Nag-prepare po talaga kami ni Bianca dito lalo na ako na kailangang matanggal ‘yung pagka-Niño sa akin, tapos ilagay ‘yung mayaman na mayabang na role.”

Bago naman daw para kay Bianca ang role niya.

Aniya, “Ang bago naman po sa akin kailangan ko pong matutong magtinda, kailangan mas streetwise ako.”

Bukod sa stellar cast na kinatatampukan nina Mylene Dizon, Manilyn Reynes, Tessie Tomas at Nova Villa, dapat daw abangan ng fans at supporters nila ang mga nakakakilig na eksena sa show.

Ayon kay Miguel, “Lalo na po ‘yung mga linyang binibitawan namin talagang dama namin dahil parang ‘yun gusto ko ring sabihin kay Bianca minsan.”

Dagdag pa ni Bianca, para daw nangyayari sa totoong buhay ang ilan sa mga eksena nila sa Once Upon A Kiss.

“Feeling nga namin totoo po siyang nangyayari talaga. ”

So mark your calendar, mga Kapuso, dahil sa Lunes simula na ng bagong kilig-serye na lalong magbibigay-kulay sa inyo mga gabi. Once Upon A Kiss airs pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
 
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.