Filtered By: TV
TV

Reality check for Steffi Cheon: The fall of a superstar

Updated On: August 19, 2020, 02:57 AM
Nawalan na siya ng career, may banta pa sa kanyang buhay. Paano na si Steffi?
Sa pagkasangkot ni Steffi Cheon ng My Love from the Star sa controversial na pagkamatay ng kanyang karibal na si Rachel Han, unti-unting lumamlam ang kanyang career at ningning bilang superstar.

Nawala ang kanyang endorsements. Nagback-out ang kanyang sponsors at nawalan din siya ng commercials. Pati rin shows ay kinuha sa kanya.



Ang inakala niyang best friend na si Lucy Yoo, nakakita ng pagkakataong makuha ang mga bagay na tinatamasa niya noon. Ngayon, si Lucy na ang pumalit sa pwesto ni Steffi.

Kasabay ng paglaho ng kanyang career, nakakita naman si Steffi ng kanyang masasandalan. Ito ay walang iba kundi si Matteo Do, ang kanyang kapit-bahay na noong una pa lang ay hindi na niya kasundo.

As reporters gathered outside Steffi’s condo, Matteo let Steffi find comfort in his home. Tinulungan pa ni Matteo si Steffi sa lahat ng kanyang pangangailangan.



Hindi na alam ni Steffi ang kanyang gagawin nang siya ang pinaghinalaan sa pagkamatay ni Rachel Han. Sinabi ni Matteo na hindi dapat matakot si Steffi sa ibinabatong isyu sa kanya dahil alam niyang wala naman siyang kasalanan.

Matteo helped lift up Steffi’s spirit.



Matteo stayed beside Steffi. He looked after her knowing that her life is in danger. Someone is behind the death of Rachel. The culprit wants Steffi dead. And Matteo knows all of these. Hindi papayag si Matteo na mapahamak si Steffi. Handa niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa kaligtasan ni Steffi.

Nang malaman ni Matteo na posibleng may kinalaman si Jackson sa pagkamatay ni Rachel. Inilalayo niya si Steffi kay Jackson. Wala namang kaalam-alam si Steffi na si Jackson, ang kapatid ng kanyang matagal nang kaibigan na si Winston, ang salarin sa nangyari.



Steffi feels safe whenever Matteo is around. That’s why she made Matteo her manager and personal bodyguard. Kahit na ayaw ni Matteo, wala siyang magawa dahil sa kakulitan ni Steffi.

Nagkakamabutihan na ba ang dalawa? Mapoprotektahan ba ni Matteo si Steffi sa kapahamakan?

Watch Steffi Cheon and Matteo Do find their destiny in My Love from the Star after Mischievous Kiss: Love in Tokyo only on GMA. For latest on the Heart of Asia, keep visiting www.gmanetwork.com.

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.