Filtered By: TV
â??My Love from the Starâ??, papatigilin ang ating Linggo sa GMA!
Published On: May 9, 2014, 02:34 PM
Updated On: February 19, 2020, 08:06 AM
Muling balikan ang ikatlong linggo ng My Love from the Star sa GMA! Ulitin natin ang mga nakakatawa at nakakakilig na eksena nila Matteo Do at Steffi Cheon ngayong Linggo at 10:45 a.m.
Muling balikan ang ikatlong linggo ng My Love from the Star sa GMA! Ulitin natin ang mga nakakatawa at nakakakilig na eksena nila Matteo Do at Steffi Cheon ngayong Linggo at 10:45 a.m.
Nang iligtas ni Matteo si Steffi sa barko, nagbago ang naging kapalaran ni Steffi. Unti-unti nang bumagsak ang career ni Steffi dahil sa pagkakasangkot niya sa pagkamatay ni Rachel Han – isang kilala at sikat na artista tulad ni Steffi.
According sa reports, Rachel committed suicide because of stress. Nagkaroon ng depression si Rachel noon, at may kinalaman si Steffi sa pagka-depress muli ni Rachel. Dahil tuwing nagkukrus ang kanilang landas, lagi na lang silang nagtatalo. Si Steffi nga ba ang dahilan nang pagkamatay ni Rachel?
Steffi doesn’t believe that she’s the reason for Rachel to commit suicide. Even though they are not in good terms, alam ni Steffi na hindi iyon magagawa ni Rachel. Nag-usap pa nga sila nito on that day dahil may maganda raw ibabalita si Rachel sa lahat. Sino ang nasa likod nang pagkamatay ni Rachel? May kinalaman ba si Steffi rito?
Naging malaking balita ang nangyari kay Rachel at ang pagkakasangkot ni Steffi. Dinagsa ng press ang condo unit ni Steffi. Para makaiwas sa press, nakituloy si Steffi sa unit ni Matteo. Hindi umalis ang press sa tapat ng unit ni Steffi kaya naman nakitira na rin si Steffi kay Matteo.
Kahit hindi pabor si Matteo sa pagtuloy ni Steffi sa kanyang tinitirhan, ayaw niya itong mapahamak. Pinatuloy niya rin si Steffi. Dito na ba magsisimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa?
Alamin ang lahat ng kasagutan sa My Love from the Star: The Kilig Throwback ngayong Linggo bago mag-Sunday All Stars. Para sa latest sa Heart of Asia, bumisita lagi sa www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.