Filtered By: TV
Huwag palampasin ang press conference ng 'Agustin dela Cruz's Mga Basang Sisiw' via livestreaming sa May 30!
Published On: May 28, 2013, 05:31 PM
Updated On: November 10, 2020, 01:30 AM
Kahit sa mga madidilim na sandali, masisilayan pa rin ang sinag ng pag-asa basta't mayroon kang makakasama sa anumang pagsubok ng buhay. Samahan sina Justin, Faye, Shine, Cha at Mickey sa kanilang pakikipagsapalaran sa ‘Agustin dela Cruz's Mga Basang Sisiw’.

Pinalaki ng mag-asawang Olivia (Lani Mercado) at Froilan (Raymond Bagatsing) ang kanilang mga anak sa isang mapagmahal na tahanan. Si Justin (Renz Valerio), 14 taong gulang, ang panganay. Sinundan siya nina Faye (Bianca Umali), 12 taong gulang; Shine (Kimberly Faye), 10 taong gulang; Cha (Hershey Garcia), 7 taong gulang at ng bunsong si Mickey.
Magbabago ang tadhana ng limang magkakapatid dahil sa isang aksidenteng mangyayari sa kanilang mga magulang. Nawawala ang mga ito, at sa pangungulila ng mga bata ay magagawa pa silang apihin ng pinsan ni Olivia na si Vicky (Maxene Magalona). Ito ang magtutulak sa magkakapatid na lisanin ang kinagisnang tahanan at hanapin ang kanilang mga magulang.
Mahahanap pa kaya ng mga basang sisiw ang kanilang mga magulang? Bumalik pa kaya ang kanilang masayang buhay?
Tampok rin sa ‘Agustin dela Cruz's Mga Basang Sisiw’ sina Mike Tan bilang Rigor, Gardo Versoza bilang Efren at Caridad Sanchez bilang Lola Lagring.
Lalo pang kilalanin ang cast ng ‘Agustin dela Cruz's Mga Basang Sisiw’! Panoorin ang press conference nito via livestreaming sa May 30, Thursday at 6 pm. Mag log lamang sa gmanetwork.com/livestreaming.