Ina Raymundo loves playing kontrabida
"It's very liberating." - Ina
By MICHELLE CALIGAN, Interview by MARAH RUIZ
First time ni Ina Raymundo na gumanap bilang kontrabida in the primetime series Marimar. Playing the role of Brenda Aldama made her realize na masarap maging kontrabida sa isang teleserye.
READ: Ina Raymundo gives first glimpse of her character in 'Marimar'
"Totoo nga ang sinasabi nila na it's very liberating. You feel so free, ang sarap paglaruan ng character mo kaysa kapag mabait ka lang," she tells GMANetwork.com in an exclusive interview.
Dagdag pa niya, "Maraming nasa isip ko na gusto kong gawin sa character ni Brenda Aldama. Basta ayoko siya na 'yung typical na kontrabida na parang laging nakasimangot. [Gusto ko] iba siya, mala-Devil Wears Prada, mala-Meryl Streep. Hindi 'yung galit na galit 'yung litid ng leeg mo."
LOOK: Ina Raymundo is #FitAt40
Bukod kay Meryl Streep, may isang peg pa daw ang hot momma.
"Siguro 'yung pinaghalong Meryl Streep at saka ako kapag nagmamaldita ako (laughs). Hindi ako nagmamaldita, [Siguro] kapag naiinis ako sa mga anak ko, kapag nakukunsumi ako sa kanila. Parang ganon, gusto kong laruin."
READ: Ina Raymundo reveals her diet secret for the holiday season