TV

Magpakailanman presents "Walang Hanggang Paalam"

Updated On: November 2, 2020, 05:54 AM
Ngayong Sabado, Kristoffer Martin and Joyce Ching reunites para sa isang espesyal na pagtatanghal ng 'Magpakailanman' for the love month!
Kristoffer Martin at Joyce Ching, patutunayan na first love never dies!

Ngayong Sabado, Kristoffer Martin and Joyce Ching reunites para sa isang espesyal na pagtatanghal ng Magpakailanman for the love month!



Award-winning young actor Kristoffer Martin gives life to the story of Pedro Arnado, isang lalaki na nagmahal at nabigo nang iwan siya ng babaeng kinilala niya bilang kaniyang one true love. Pero dahil sa pangarap ng babae na umangat sa buhay, luluwas ito papuntang ibang bansa para kumita ng mas malaking pera.

Maghihiwalay ang dalawa with the promise na hindi nila kakalimutan ang isa’t-isa.

Pero malulungkot si Pedro nang, ang lahat ng kaniyang pinadadalang sulat, ay hindi sinasagot ng babae.

Pinilit ni Pedro mag-move on na sa buhay niya, at nakahanap siya ng bagong taong mamahalin. Saka niya nalaman na ang babaeng hinintay niya ay nakabalik na pala... at may naging anak sila!

Pero sa pagkakataong ito, may kani-kanila na silang pamilya.

Ano ang gagawin nila kung ang pagmamahalang inakala nilang kinalimutan na ay muling mabuhay?

Tatalikuran ba nila ang mga pamilyang binuo nila para muling makasama ang kanilang kinilalang true love?

Sundan ang kanilang love story, at kung sino ang pipiliin ni Pedro na makasama for the rest of his life, ngayong Sabado, February 21, sa Magpakailanman--pagkatapos ng Pepito Manaloto.



Kasama rin sa “Walang Hanggang Paalam” sina Mickey Ferriols, Cris Villanueva, Coleen Perez, Toby Alejar, Irene Celebre, Jan Marini Alano, JM Reyes, Nomer Limatog, Jr. , Dex Quindoza, at Marlon Mance; sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, at sa panulat ni Dang Sulit, mula sa research ni Jessie Villabrille.
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.