TV

Magpakailanman presents “Krimen sa Ngalan ng Puri”

Updated On: February 29, 2020, 11:43 AM
Ang isang tao ay inosente, hanggang siya ay mapatunayang may sala. Pero paano kung ang taong nasasakdal ay asawa mo? Paano kung hatulan siya ng pagkakakulong, kahit na alam mong wala siyang kasalanan? Magagawa mo bang makipaglaban para sa iyong asawa?


Ang isang tao ay inosente, hanggang siya ay mapatunayang may sala. Pero paano kung ang taong nasasakdal ay asawa mo? Paano kung hatulan siya ng pagkakakulong, kahit na alam mong wala siyang kasalanan? Magagawa mo bang makipaglaban para sa iyong asawa?

Hindi mayaman ang mag-asawang sina Obet at Arlene dela Cruz, hindi nila tunay na mga pangalan. Katunayan, mga boarders lang sila sa isang mumurahing paupahan—kung saan hindi lahat ng kanilang mga kapitbahay ay kaaaya-aya. Pero ganito man ang kanilang naging lugar sa buhay, hindi pa rin sila nanggulang sa kanilang pagmamahal para sa isa’t-isa.

Maganda si Arlene. Agaw-pansin. At sa kanilang lugar, mapupukaw niya ang pansin ni Jude, isang tambay na kilala sa kawalan niya ng modo—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi hadlang para kay Jude ang pagiging kasal ni Arlene kay Obet, katunayan ay parang mas lalo pa itong bastos kay Arlene kumpara sa iba dahil may asawa na ito.

Isang gabi, hindi na pipigilan ni Jude ang kaniyang pagnanasa kay Arlene. Habang brown out ay magagawang looban ni Jude sila Arlene. Sisimulan nitong halayin si Arlene—na saktong aabutan ni Obet! Para ipagtanggol ang asawa, magagawa ni Obet ang isang bagay na hindi niya inaakalang magagawa niya: ang makapatay ng tao!

Dito magsisimula maging masalimuot ang pagsasama nina Obet at Arlene. Dahil hindi man nagbago ang kanilang pagmamahalan, nag-iba naman ang pakikitungo sa kanila ng mga taong inakala nilang magpagkakatiwalaan nila.

Kung dati’y kabuhayan lang ang kailangan isipin nina Obet at Arlene, ngayon ay kailangan na rin nilang harapin ang panghuhusga ng kanilang sariling mga kamag-anak, ang ilang mga nasa batas na hindi laging patas sa mga tulad nilang walang pera, at ang galit ng isang inang nawalan ng anak, kahit na maging siya ay aminadong hindi ito mabuting tao.

Paano lalagpasan ng mag-asawang Obet at Arlene ang mga pagsubok na ito? Ano ang gagawin nila sa hatol kay Obet na makulong? Magagawa ba nila maging matibay laban sa lahat ng mga masasamang nangyayari sa buhay nila?

Alamin ngayong Sabado, October 18, sa Magpakailanman—pagkatapos ng Marian.

Itinatampok sa episode na “Krimen sa Ngalan ng Puri” sina Lovi Poe, Benjamin Alves, Odette Khan, at Joko Diaz, sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan. Ang episode na ito ay isinulat ni Senedy Que, mula sa pananaliksik nila Stanley Pabilona at Karen Lustica.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.