MAGPAKAILANMAN presents “Hinagpis ng isang ina: The Rape of an Autistic Child Story”
Published On: August 14, 2013, 07:14 PM
Updated On: March 4, 2020, 08:05 PM
Walang kapantay ang pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang mga anak. Pero anong pagmamahal ang maibibigay niya kung ang anak na iniluwal may espesyal na pangangailangan? Kung ang anak na kaniyang magiging pag-asa ay siyang aasa sa kaniya?

Ngayong Sabado, tunghayan natin ang kuwento ng isang ina—at ng kaniyang anak na may autism.
Ang Autism ay isang kondisyon sa pag-iisip na nagpapabagal sa development ng isang tao sa pakikipag-usap at pakikipag-kapwa. Isang kondisyon kung saan hirap ang mayroon nito na magpaintindi ng kanilang nais gawin, at ng kanilang saloobin.
Isang kondisyon na hahadlang sa kanila para magsumbong sa pagkakataong may gumawa ng masama sa kanila.
Para sa inang si “Tessa,” hindi niya tunay na pangalan, dobleng pag-aalala ang kaniyang haharapin sa paglaki ng kaniyang anak na babaeng may autism. Bukod kasi sa madalas na pambabastos na hinaharap ng kababaihan, dagdag pa sa kailangan niyang isipin ay kung paano makalalaban—o paano makapagsusumbong ang kaniyang anak—kung mayroong manalbahe, mambastos, at manghalay sa kaniya?
At paano kung ang taong gagawa pa nito ay taong pinagkakatiwalaan at minamahal nilang mag-ina?
Sa ilalim ng masusing direksyon ni Adol Alix, Jr., at sa panulat ni Mary Rose Colindres base sa pananaliksik ni Karen Lustica; itinatampok sa “Hinagpis ng Isang Ina: the Rape of an Autistic Child” sina Jean Garcia at Barbara Miguel sa kanilang natatanging pagganap bilang mag-inang haharap sa matinding pagsubok; kasama rin sina Alicia Alonzo, Joko Diaz, JM Reyes, at Sue Prado.
Disclaimer: Ang mga pangalan ng mga taong sangkot sa kuwentong ito ay pinalitan para protektahan ang identity ng batang biktima.
Magpakailanman airs every Saturday, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.