Bakit madalas paos si Gladys Reyes?
Isang DJ na nagngangalang Katy Fairy ang ginagampanan ni Gladys Reyes sa primetime series na Let the Love Begin. Madali naman daw ang role niya, pero kinailangan lang niyang alalayan ang kanyang boses dahil madalas siyang paos.
"Nagka-acid reflux ako eh, kaya madalas po akong paos. I consulted an ENT doctor para sa throat ko. Actually may ginawa pong proseso, 'yung videostroboscopy. Siyempre kapag DJ, kailangan buo ang boses. Nag-consult pa ako sa ENT doctor para medyo mabawasan ang pagkapaos ko," kuwento ng Gawad Urian Best Supporting Actress.
Aniya, may mga pagkakataon pa ring namamaos siya pero mas kontrolado na niya ngayon.
"At least alam ko na 'yung throat exercises para naman kapag may mga eksenang kailangan kong gumanap as a DJ, ay maabot ko 'yung range ng boses."
READ: What inspired Gladys to make more movies?
Samantala, ibinahagi rin ng aktres ang ilan sa mga detalye tungkol kay Katy Fairy.
LOOK: Kapuso stars' names before they entered showbiz
"Feeling ko pasama nang pasama. Kasi noong una, 'di ba pa-cute lang ang pagiging masama ko? Ngayon, to the point na ihuhulog ko siya sa hagdan, itutulak ko si Aiai. Kasi nga, parang hindi ko matanggap na mayroon akong kaagaw [sa pagiging sikat na DJ] sa Sky FM station. So parang gagawin niya ang lahat kahit makasagasa ng ibang tao, basta lang mapangalagaan niya 'yung estado niya."