"Anything is possible in love"- Natalia Moon
Inaabangan tuwing Linggo ng gabi ang kuwelang love team nila Bernie at Natalia sa Sunday night comedy offering ng Kapuso Network na Ismol Family.
Patok sa mga manonood ang chemistry nila Mikael Daez bilang closeted gay dude na hinahabol-habol ng karakter ng Australian beauty na si Natalia Moon.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa foreignay, wala itong itulak kabigin sa co-star niya sa show na si Mikael. Napakabait daw ng Kapuso actor at mabuti daw itong kaibigan sa kanya.
Saad ni Natalia, “Mabait siya talaga, guwapo siya siyempre pero kaibigan lang (laughs) I’ll clear that na (laughs)”.
Dahil ang role na pino-portray niya ay in-love sa isang gay, tinanong namin ang Kapuso comedienne kung may chance ba in real life na magkagusto siya sa katulad ni Bernie.
Tugon niya, “Hindi ko alam pero siyempre hindi [mo] kaya ma-control ‘yung puso 'di ba, so maybe you’ll’ never know.”