Betong on working with the cast and director of 'Genesis'
Betong is doing good on his acting stint in Genesis. He plays the character of Tolits Dimagiba, the sidekick of the show’s hero, Dingdong Dantes. Betong plays an important role in the show because he serves as the comic relief to the heavy-drama scenes of the Telebabad show. In this exclusive interview, read Betong's insights on the cast members and the director of Genesis.
Dingdong Dantes (Isaak)
“Kasi mostly kami yung naiiwan sa tent. Sobrang bait na tao. Hindi siya ma-ere na artista. Isipin mo wala siyang sariling tent. Mayroon kasi akong mga nakakatrabaho na mayroong sariling tent, ito talaga nandoon din kaming lahat sa isang tent. Nag-aalok siya ng pagkain, tinatanong ka kung kumusta ka. Tapos nagla-like ng picture sa Instagram. Haha! Kasi may mga artista na hindi nagla-like so siyempre inii-screen capture ko talaga yun.”
Rhian Ramos (Raquel)
“Very professional at ang bilis umiyak! Pinakamahirap yata yung bigla ka na lang iiyak na lang tapos talagang mag-iinternalize lang siya then okay na. Ang galing eh! Yung hindi parang kunwaring iyak lang ang ginagawa niya. Kasi puwede kang umiyak na mukha lang eh. Pero ito umiiyak siya ng mukha pati may luha. Iba yung may luha eh. Si Ms. Rhian, mabait din. Tapos hindi ko nararamdaman na may wall sa pagitan namin.”
Lorna Tolentino (Sandra)
“Ang tawag niya pa sa'kin ‘Bets,’ nahiya naman ako! Tapos nagla-like rin siya ng pictures ko sa Instagram. Sa’kin kasi ‘yon yung basehan ko. Kapag okay yung artista, nagla-like ng picture! Haha! Kasi puwede naman nilang hindi i-like eh. Pero dati naaalala ko nag-mesaage siya sa’kin sa facebook. Tinanong ko talaga, kayo po ba talaga si Miss Lorna Tolentino? Tapos nung nakita ko siya sa set, sabi niya, ako yun!”
TJ Trinidad (Paolo)
“Kapag may mga time na tengga, kakausapin ka talaga niya. Sa tingin ko malalim siyang tao. Malalim in a way na kapag nagkaroon ng discussion, talagang mararamdaman mo talaga kung ano yung opinion niya dun sa isang topic, kung ano ‘yong gusto niyang sabihin. Sobrang professional din ni Mr. TJ Trinidad, napakagaling na artista.”
Direk Joyce Bernal
“Sobrang cool na director niyan. Kapag hindi trabaho, parang barkada mo siya eh. Pero once na nag-roll na, nag-blockings na, or nag-read na ng lines, talagang sasabihin niya sa’yo kung ano yung dapat mong gawin. At ang nakakatuwa sa kaniya, pinag-aadlib niya ‘ko. So mayroon kang freedom na i-explore pa 'yung role mo. Tapos bibigyan ka niya talaga ng tips.”
Catch more of Betong and the rest of the powerhouse cast of Genesis, weeknights after 24 Oras on GMA Telebabad.
- Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Etsrada, GMANetwork.com