Filtered By: TV
TV

Pinakabagong GMA Heart of Asia show na 'Carmina,' ipapalabas na sa February 1

Updated On: November 9, 2020, 10:30 PM

Nababago ba ang tibok ng puso at kaya bang palitan ang nararamdaman? Abangan ang kuwento ni Carmina sa GMA Heart of Asia Mornings.

By AL KENDRICK NOGUERA

Umpisa pa lamang ng taon ay pasisiyahin na kayo ng GMA sa mga programa nitong handog na tiyak na kagigiliwan ninyo.

Sa February 1, isang sikat na Koreanovela ang ipapalabas sa GMA Heart of Asia Mornings, ang Carmina.

Narito ang napakagandang kuwento na iikot kina Carmina, James, Darwin at Derek.

WATCH: Carmina: Nababago ba ang tibok ng puso? 

Si Carmina Kim ay ang pinagkakatiwalaang executive secretary ng chariman ng Hermia, isang malaking kumpanya. Binansagan siyang "Iron Secretary" dahil lahat ng problema ay nabibigyan niya ng solusyon. Kapag wala sa trabaho, masaya si Carmina sa kanyang love life dahil engaged na siya sa kanyang childhood sweetheart na si Darwin, isang pulis.

Malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ni Carmina nang dumating si James Kang, ang bago niyang boss na mahirap pakisamahan. Hindi alam ng karamihan na mayroong sakit sa puso si James at mayroon na lamang siyang isang buwan para mabuhay.

Habang nasa trabaho si Carmina, mababalitaan niyang namatay ang kanyang fiance na si Darwin. Samantala, kailangan naman ni James na sumailalam sa isang heart transplant at makukuha niya ang puso ni Darwin.

Magbabago ang ugali ni James mula nang mailipat sa kanya ang puso ni Darwin. Bukod pa rito, mararamdaman niyang nahuhulog na ang loob niya kay Carmina.

Sing-along with the Stars: Maricris Garcia's 'Ako Na Lang Ang Bibitaw'

Ano ang gagawin ni Carmina kapag nalaman niya na si James na ang nagmamay-ari ng puso ni Darwin? Abangan sa February 1 sa GMA Heart of Asia Mornings.
 

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.