Bagong Gang finalists give the lowdown on why they should be chosen as Mr. and Ms. Bagong Gang
Published On: October 9, 2013, 07:09 PM
Updated On: February 24, 2020, 09:52 PM
It was April this year when Bubble Gang launched their search for new members entitled Bagong Gang. Mula sa libo-libong nag-audition ay anim na lamang ang naiwan, where only one male and one female contestant will be named as Mr. and Ms. Bagong Gang.
It was April this year when Bubble Gang launched their search for new members entitled Bagong Gang. Mula sa libo-libong nag-audition ay anim na lamang ang naiwan, where only one male and one female contestant will be named as Mr. and Ms. Bagong Gang. Ang masuwerteng anim na Bagong Gang members, na kasama na sa cast ng naturang show, ay sina Juancho TriviƱo, Jan Manual, RJ Padilla, Arny Ross, Joyce Ching at Denise Barbacena.
GMANetwork.com had the chance to chat with the six finalists during the pictorial for Bubble Gang's 18th anniversary, where they talked about their experience working with Michael V. the advice they received from other cast members, and why they think they should be chosen as the contest winners.
Para sa kanilang lahat, ibang klaseng experience ang mapabilang sa longest running comedy show sa bansa. "Masaya, at natututo ako maging comedian kina Kuya Bitoy. Nae-expand 'yung acting skills ko sa comedy," says Juancho.
"Ibang klase! Marami kang matututunan sa kanila. Hindi lang sa pag-arte kundi sa buhay. Makikita mo kasi ang pagka-successful nila, so nagiging inspirasyon sila sa akin na maging successful din," dagdag ni RJ.
As for Jan, who is currently busy with Prinsesa ng Buhay Ko, "Sina Kuya Bitoy maayos na katrabaho. Parang mas gagaling ka kasi kaeksena mo mga magagaling na artista, so siyempre ikaw kino-correct ka nila. Like sa pag-deliver ng lines, hindi maganda, so sasabihin nila 'Ito ang gawin mong atake.' Natututo kami sa kanila, 'yung mga atake nila sa mga gags namin."
Si Protege Season 2 contestant Arny Ross naman, hindi pa rin makapaniwala na kasama na siya sa Bubble Gang. "Until now hindi pa rin ako makapaniwala na part na ako ng Bubble Gang, na magiging regular na ako, na makakasama na ako sa pictorial para sa billboard. Kasi dati pinapanood ko lang 'to, ngayon nandito na ako kaya sobrang saya. Thankful din kasi binigay sa akin ang blessing na ito na hindi ko naman talaga ineexpect."
Teen star Joyce Ching, who also appears in Dormitoryo, also shares the advice she got from the other cast members. "Advice nila, basta mag-relax lang at saka no 'acting-acting'. 'Yung pinaka-advice talaga nila, magtiwala sa script kasi kahit ano pa ang sinasabi ng script, kahit ikaw hindi ka natawa, nakakatawa 'yan. Kailangan mo lang gawin at sabihin kung ano ang pinapagawa ng director."
Denise Barbacena agrees. "We should act natural lang, hindi na namin kailangang i-acting. Script na 'yung mag-act for us. Enjoy lang, at kung ano lang ang hinihingi nung scene 'yung lang ang gagawin namin."
The six new cast members also weighed in on why they should be crowned as Mr. and Ms. Bagong Gang. "Kasi kahit papano naman medyo naging linya ko na ang comedy. Sabi ko nga, siguro ito 'yung talagang linya ko. Dito naman, when it comes sa mga gags namin, ginagalingan ko talaga kasi ito ang linya ko kaya dapat dito ako mas makilala, " Jan explains.
Pantay-pantay lang daw sila according to RJ. "Pantay-pantay lang po kami eh, para sa akin ha. Kasi may mga times na nagkakamali ako, nagkakamali sila. May mga times na angat ako, may times na sila naman 'yung angat. Para sa akin patas lang ang laban, hindi ko masasabi na may lamang ako. Lamang lang siguro ako sa ilong, mas matangos ang ilong ko sa kanila."
Mas naging confident naman si Juancho dahil sa Bubble Gang. "Para sa akin, 'yung Bubble Gang ang laki ng tulong sa confidence ko kasi mas relaxed na ako kapag nasa in front ako ng camera."
Ito naman ang sagot ni Arny. "Siguro physically, maganda naman ako tulad ng ibang Bubble Gang cast. Medyo sexy naman ako. Ayun, siguro pagiging beautiful, sexy, and hot (laughs)! Hindi, joke lang. Pati rin 'yung pagdedeliver ko ng mga lines, medyo makulit lang."
Denise considers herself a winner already. "I feel like a winner na being part of Bubble Gang pero siyempre iba 'yung ikaw ang manalo talaga. Siguro I know I gave my best, and tama naman 'yung acting ko. Feeling ko hindi naman ako nag-overact sa mga scenes namin."
Pinagmamalaki naman ni Joyce ang pagiging bahagi niya ng Bubble Gang Jr. dati. "Kasi Bubble Gang Jr. ako, doon ako nagsimula. Tapos wala pa silang masyadong medyo bagets so kailangan ako na 'yun eh (laughs). Para maiba lang 'di ba, habang sila sexy lahat, habang sila dalaga, kailangan nila ng bagets para balanse. At saka nakakatawa po ako (laughs)."
Sino sa kanilang anim ang tatanghaling Mr. and Ms. Bagong Gang? Find out on Friday, October 18, sa 18th anniversary special ng Bubble Gang, after GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com