Sport a guitar, watch her swoon – Marc Abaya
Ang character ni Marc Abaya sa Ang Dalawang Mrs. Real na si Vincent Dumlao ang isa sa mga paborito ng mga manonood.
Madalas kasi siyang nagbibigay ng advice kay Anthony (played by Dingdong Dantes). At kahit gaano pa ka-unconventional ang kanyang mga payo, most of the time ay tama ang mga ito.
Kaya naman sa ginanap na live chat nina Marc, Lovi Poe at Rodjun Cruz, one of the questions received by the group is what to do to make someone notice you.
Ayon sa vocalist ng Kjwan, isa lang daw ang solusyon diyan na nakuha rin niya sa isang kapwa rock star.
“Have a guitar, and it’s over. Seriously, ‘yan ‘yung sinabi sa akin ni Raymund Marasigan ng Eraserheads noong bata pa ako, at hindi siya nagkamali. Become a musician,” recalls Marc.
First gig daw niya noon, at nasa audience ang crush niya kaya masyado siyang kinakabahan.
“[Sabi ko kay Raymund] ‘Pare, ‘yung crush ko nandoon.’ I’m sorry to say this but this is what he said. ‘Pare, kapag sinuot mo ‘yang gitara mo, laglag panty na ‘yun sa ‘yo, ‘pre!’ True enough (laughs).”
Hindi naman naiwasan ni Marc na ipasa ang tanong kay Rodjun, at bilang isang magaling na dancer, ito naman ang naging sagot niya.
“Siyempre, kapag nasa dance floor, gamitin na natin ang mga dance moves. ‘Yung mga pitik-pitik tapos pasulyap-sulyap na ganun. Tapos pa-wave-wave na ganyan (laughs).”
May pahabol pang payo si Marc: “If a guy knows how to dance and sing, it’s over. Perfect template – Justin Timberlake.”