TV

Pulso ng Kapuso netizens: Sino ang karapat-dapat sa puso ni Ada?

Updated On: February 23, 2020, 03:57 AM
Inalam ng GMANetwork.com ang pulso ng Kapuso netizens sa pamamagitan ng isang online poll kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat kay Ada. 

Sa huling linggo ng telefantasyang Adarna, malalaman na kung sino kina Migo, Agalon at Falco ang makakatuluyan ng hinirang na si Ada.

Inalam naman ng GMANetwork.com ang pulso ng Kapuso netizens sa pamamagitan ng isang online poll kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat kay Ada. 

As of February 28, 2014, a total of 227 votes have been cast by the online community.

More than half (54.63 percent), or 124 votes, are in favor of Migo, played by Geoff Eigenmann. Ngayong malayo na siya sa Pugad Sanghaya at na-enchant pa ni Dayana, sila pa rin kaya ni Ada ang magkakatuluyan sa huli, o tuluyan na ba silang mapapunta sa iba?

Nasa pangalawang puwesto naman si Agalon, na dating si Bok, played by Benjamin Alves, na nakakuha ng 83 votes, o 36.56 percent. Matuloy pa rin kaya ang naudlot nilang kasal ni Ada? Matututuhan kaya siyang mahalin ni Ada sa kabila ng kanyang pagiging kapatid ni Garuda?

Si Falco naman, played by Mikael Daez, ay nakakuha ng 8.81 percent o 20 votes. May pag-asa pa kaya na siya ang piliin ni Ada gayong nakipagsanib-puwersa siya kay Garuda?

Marami pang kapana-panabik na mga eksena ang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Adarna, kaya kahit sino sa tatlong lalaki ay maaaring piliin ni Ada.

Alamin kung sino ang totoong karapat-dapat sa puso ng hinirang sa huling linggo ng Adarna, gabi-gabi sa GMA Telebabad. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.