Filtered By: Showbiz News | Relationship
Elijah Canlas at
Showbiz News

Elijah Canlas, inamin ang tunay na relasyon nila ni Miles Ocampo

By Maine Aquino
Ano nga ba ang estado ng relasyon nina Elijah Canlas at Miles Ocampo?

Diretsahang inamin ni Elijah Canlas na may relasyon sila ni Miles Ocampo.

"Opo, kami na," saad ni Elijah.

Ibinahagi ito ni Elijah sa YouTube channel ni Ogie Diaz. Kasama niya sa interview na ito ang kanyang kaibigan at co-actor sa Gameboys na si Kokoy De Santos.

Ayon kay Elijah, masaya siya sa piling ng girlfriend na si Miles. Ayon rin kay Elijah ay first time niyang aminin ito sa isang interview.

Photo source: elijahcanlas

Saad niya, "She's the best. We're in a good place, We're very happy. First time ko inamin."

Inamin din ni Elijah na 2021 pa sila magkarelasyon ni Miles. "Last year pa po kasi kami."

Nilinaw niya rin kung bakit pinili nilang gawing pribado ang kanilang relasyon.

"Sa akin naman po kasi parang it's my life, it's our lives. We don't have to share everything that we do or kung paano kami nagsimula or whatever.

"Very private persons po kasi kaming dalawa."

Ipinaliwanag ng aktor na hindi rin siya mahilig mag-share ng personal niyang buhay sa social media.

"Hindi ako ma-post sa social media talaga. 'Di ko alam 'yung galawan. Siya yung mas may alam. Yun lang, nagki-keep lang po ng privacy."

Saad pa ni Elijah ay naniniwala siyang masaya ang kanilang supporters para sa kanila ni Miles.

Basta, I think the fans and our supporters would also appreciate that we're happy and we're in a really good place.

Panoorin ang pag-amin ni Elijah sa video na ito:

Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Elijah at Miles

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.