Rayver Cruz, handa na bang mag-settle down?
Itinanong ni Carmina Villarroel-Legaspi kung handa na ba mag-settle down ang Kapuso actor na si Rayver Cruz.
Sinagot ni Rayver ang Kapuso host at actress sa episode nitong February 5 sa Sarap, 'Di Ba?
Ayon kay Rayver ready na siya bumuo ng sarili niyang pamilya.
Pag-amin niya, "Lagi ko namang ipinagdarasal 'yun e. Kung 'yun na 'yung right time, ready ako anytime."
Photo source: @rayvercruz
Kuwento pa ni Rayver, ito ay dahil sa lumaki sila ng kaniyang kapatid na si Rodjun Cruz na family-oriented.
"Kasi nga kami nila Rodjun, talagang family man kami," saad ni Rayver.
Sa ngayon, naniniwala si Rayver na magkakaroon rin siya ng sarili niyang pamilya sa tamang oras.
"Natutuwa ako sa mga pamangkin ko ngayon. Pero siguro sabi ni Lord enjoyin ko muna 'yung mga pamangkin ko. In God's time."
Samantala, silipin ang Mid-Century Industrial Bachelor Pad ni Rayver sa gallery na ito:
Keywords: