Barbie Forteza, napagkamalang "married" na?
Tampok si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa Christmas episode ng drama anthology na #MPK (Magpakailanman) kung saan nakatrabaho niya ang real-life couple at veteran theater actors na sina Robert Seña at Isay Alvarez.
First time nakatrabaho ng aktres ang mag-asawa. Gayunpaman, na-enjoy niya umano ang company nila sa set.
Napagkamalan din umano siya ng mga ito na “married” na.
“Sobrang kulit kasi hindi ko alam kung saan po nila nakuha pero as in 'yung first meeting namin dito sa set ang unang tanong agad sa akin, 'Are you married?'” kwento ni Barbie nang makapanayam ni Kapuso reporter Lhar Santiago sa 24 Oras.
Source: barbaraforteza (IG)
Istorya ng pagmamahalan nina Joji and Alyssa Mendoza ang ipalalabas sa bagong episode ng #MPK na pinamagatang “My Everlasting Love: The Joji and Alyssa Mendoza Story.”
Masaya ang kanilang pamilya hanggang magkaroon ng kidney failure si Bing (Jing), gagampanan ni Robert, at bawian ng buhay.
“How a family's love can really cross borders even death even beyond life. Talagang mapaparamdam ng pamilya 'yung pagmamahal sa 'yo,” paglalarawan ni Barbie.
Dagdag pa ni Robert, “Isang ama na mapagmahal sa pamilya. Mahal na mahal niya 'yung asawa niya. Gagawin niya 'yung lahat para mapasaya 'yung asawa niya.”
Para naman kay Isay, pinatunayan ng istorya na 'to na may “forever” sa pag-ibig.
“Ang story na 'to, ito 'yung totoo na may forever na kahit na wala na 'yung asawa niya talagang naghanda siya para…alam niya kasi na malulungkot siyempre dahil maiiwanan niya.
"So, talagang pinaghandaan pa rin niya 'yung kanilang anniversary, 'yung kanilang Valentine's Day,” aniya.
Tingnan mga kaganapan sa taping ng “My Everlasting Love: The Joji and Alyssa Mendoza Story” sa gallery na ito:
Samantala, dahil Pasko na sa susunod na linggo, ibinahagi rin ni Barbie ang plano niya ng pagdiriwang ng okasyon.
Bukod sa kanyang pamilya, makakasama rin ng aktres ang boyfriend niya of four years na si Kapuso hunk Jak Roberto.
“Hati na lang muna kami (Jak) sa hamon. Tipid-tipid na lang muna. Love na lang muna this Christmas and also we decided to spend holidays at home para mas safe,” ang aktres.
Source: barbaraforteza (IG)
Kung 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.
Samantala, silipin ang kilig photos nina Barbie at Jak sa gallery na ito: