Mang Tani Cruz, sinorpresa ng kanyang asawa bilang Father's Day treat
Nasorpresa si GMA Resident Meterologist Mang Tani Cruz nang makatanggap ng Father's Day treat mula sa asawa niyang si Gloria nitong Biyernes, June 19.
Sa isang Facebook post na ibinahagi ng katrabahong si Lee Junio Gasid, makikitang nagpadala ng pagkain at letter si Tita Glo na kasalukuyang naninirahan sa Australia kasama ang kanilang mga anak.
“BREAKING: Binagyo ng sorpresa si GMA Resident Meteorologist Mang Tani Cruz mula sa asawa niyang si Tita Glo mula sa Australia. Kaya naman bumaha ng kilig sa GMA Network. Magpapatuloy ang kalat-kalat na pag-ulan ng kaligayahan hatid ng HAPPINESS NATION,” aniya.
“Tita Glo, the loving wife of Mang Tani who's now in Australia, ordered and sent this surprise father's day treat in advance to Mang Tani at GMA before '24 Oras' airing. Super kilig.
“I have been inspired by the couple since naging Assistant Director ako ni Direk Zig Dulay for their love story in 'WAGAS.'
“Very inspiring, kapupulutan ng aral and parang sa pelikula lang nangyayari ang love story nina Mang Tani and Tita Glo,” dagdag pa niya.
PAGASA confers Wind Vane Award to Mang Tani Cruz
Matatandaang natampok na rin ang nakaka-inspire na love story nina Mang Tani Cruz at asawa niyang si Gloria sa Kapuso drama romance anthology na Wagas.
Balikan ang istorya ng kanilang pagmamahalan dito: