Sarah Abad confirms breakup with Jay Contreras
Nilinaw na ni Sarah Abad ang estado ng kanilang relasyon ng Kamikazee frontman na si Jay Contreras pagkatapos na kumalat ang issue ng kanilang hiwalayan.
Ayon sa Instagram post ni Sarah ay nagpapasalamat siya sa natanggap niyang suporta simula nang lumabas ang balitang ito.
"I appreciate all the love and overwhelming support people have sent and continue sending our way, most especially to all my friends who have tried to reach out."
Dagdag pa ni Sarah ay matapang niyang ibabahagi ang ibang detalye sa susunod na pagkakataon.
"Soon, I might have the courage to talk to all of you."
Paglilinaw pa ni Sarah ay nananatili silang magkaibigan ni Jay.
"Please know that Jay and I will remain good friends and loving parents to our kids. It would be a new journey for both of us."
Inamin rin niya na masakit ang kanyang pinagdadaanan.
"This has been heartbreaking and painful, but always praying for strength and acceptance."
Sarah Abad's statement on her relationship with Jay Contreras.
Unang lumabas ang issue ng hiwalayan nina Sarah at Jay nitong Mother's Day, May 10.