Filtered By: Showbiz News | Relationship
Showbiz News

Aiai Delas Alas, ginupitan ng mala-Park Seo Joon si Gerald Sibayan

By Dianara Alegre
Updated On: April 29, 2020, 12:37 PM
Aiai Delas Alas, na-achieve ba ang mala-Park Seo Joon haircut para sa asawang si Gerald Sibayan?

Dahil sa enhanced community quarantine, walang choice ang publiko, lalo na ang mga kalalakihan kung 'di pagtiisan ang kanilang malalago nang buhok.

Ang iba naman ay sa kani-kanilang mga asawa na nagpagupit gaya na lamang ng ilang celebrities tulad nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Solenn Heussaff at Nico Bolozico at ang latest, sina Comedy Queen Aiai Delas Alas at asawa niyang si Gerald Sibayan.

Isinapubliko ni Aiai ang gupitan session nila dahil naka-post sa Instagram ang video nito.

First time ni Aiai maggupit ng buhok at ang gusto niyang peg para sa new look ng “darling” niya ay ang hairstyle ng idol niyang si “Itaewon Class” star Park Seo Joon.

“Dahil idol ko si Park Seo Joon ay gugupitan ko siya (Gerald) ng mala-Park Seo Joon. Annyeong! Ikaw ngayon si Park Seo Mai,” panimula ng komedyante sa video.

Street style at naka-chesnut hairstyle si Seo Joon sa nasabing Korean series. Mahirap itong bagayan bukod pa sa high maintenance rin ito.

Ma-achieve kaya ni Aiai ang inaasam niyang new look ng asawa?

Matapos gupitan ng bangs o bowl cut ay mala-Park Sae Ro (karakter ng aktor sa series) na nga ang datingan ng buhok ni Gerald.

“Mukha namang bao darl!,” natatawang sabi niya.

Dahil failed ang attempt nila, nagdesisyon na lang si Aiai na kalbuhin ang asawa.

“Hindi na-achieve si PSJ kaya rocker na lang siya,” anang aktres.

Hahaha napalalim sorry darl hahaha @gerald_sibayan

Isang post na ibinahagi ni AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) noong

Aiai Delas Alas poses with husband Gerald Sibayan in bold photo shoot

Aiai Delas Alas is proud wife of "Capt. Gerald Sibayan"

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.