
Dahil parehong mahilig sa video games, dito raw nakakuha ng inspirasyon para sa engagement ring sina Mikael Daez at Megan Young.
Hango daw sa larong Ragnarok ang disenyo ng tinaguriang iceberg ring ni Megan. Gawa ito sa light blue topaz na napapaligiran ng diamonds.
"Alam ko naman traditional 'yung diamonds pero mas importante para sa akin kung ano'ng gusto niya personally," paliwanag ni Mikael.
Ang lola mismo ni Mikael na si Amelita Daez, isang jeweler, ang nagdisenyo ng singsing.
"It's not easy to get that stone. The cutters, they cut big colored stones. But she didn't want a big one. She's that simple," paglalarawan niya kay Megan.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.
LOOK: Mikael Daez recounts his "firsts" with bride Megan Young
WATCH: Funny moment sa kasal nina Mikael Daez at Megan Young