Filtered By: Showbiz News | Relationship
AZ Martinez and Larkin Castor
SOURCE: Pinoy Big Brother/(YouTube)
Showbiz News

AZ Martinez reveals she broke up with BF Larkin Castor before entering PBB

Tinuldukan na ng Sparkle star at Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si AZ Martinez ang mga usap-usapan tungkol sa kaniyang relasyon sa kapwa aktor na si Larkin Castor.

Sa episode ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong Sabado, April 12, nilinaw ni AZ na naghiwalay raw sila ni Larkin bago siya pumasok sa loob ng bahay ni Kuya.

Ayon sa kaniya ay on-and-off na rin ang kanilang relasyon.

“Three years na po kaming magkakilala [ni Larkin]. Nag-start kami as best friends; within the two years, naging kami po, and bago po ako pumasok [sa PBB], medyo on-and-off na po kami. Ilang beses po kaming nag-break,” kuwento ni AZ.

Pag-amin ng Sparkle star kay Big Brother, “Noong birthday ko, which was a week before ako pumasok dito, nakipag-break na po talaga siya (Larkin) kasi ayaw niya po na pumasok ako rito.”

Muntik din maluha si AZ nang balikan ang mga naging pagsubok ng kanilang relasyon.

“Wala namang relasyon na perpekto, pero gusto ko lang 'yung relasyon na nakakaintindi sa mga gusto kong gawin. May times po kasi, Kuya, na nararamdaman ko na naho-hold back ako dahil sa relasyon namin,” saad ni AZ.

Dagdag pa niya, “Ramdam ko na ang dami kong kailangan i-let go o hindi gawin dahil masyado lang akong tutok sa kaniya. And same din po para sa kaniya; ginawa niya rin po 'yun para sa akin.”

Matatandaang naging usap-usapan si AZ Martinez nang umamin siyang crush niya ang kapwa housemate na si Dustin Yu.

"Ako, umiiwas lang ako sa asar-asar kasi hindi ko naman ina-assume na gets mo? Hindi naman ako ganoon. Hindi naman ako sa nag-assume. Iwas lang ako sa kanila Michael, sina Josh, siyempre hindi mo maiwasan mang-asar. So ako, iiwas lang kasi syempre, kilala ko si Larkin," paliwanag ni Dustin kay AZ.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

KILALANIN SI AZ MARTINEZ SA GALLERY NA ITO

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.