Filtered By: Showbiz News | Relationship
Kylie Padilla
Photo source: kylienicolepadilla (IG)
Showbiz News

Kylie Padilla opens up about not believing in marriage when she tied the knot

Ilang taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay si Kylie Padilla at ama ng kanyang mga anak.

Sa bagong episode ng online talkshow ni BB Gandanghari na BB. talk ay napag-usapan muli ang kanyang failed marriage.

"I wasn't ready to get married kasi I didn't really believe in marriage. But to make everyone else happy, we got married.”

Inamin ng aktres na okay lang sa kaniya na hindi ikasal noon habang pinapatibay ang kanilang relasyon kasama ang kanilang anak.

“Alam ko naman kasi, very deep ang understanding ko na ibang commitment na talaga yung marriage. It's that you really have to go through everything together, even worse, in sickness and health diba. 'E when I was married, I didn't feel that part," sabi ni Kylie.

Nagsimulang maisip ni Kylie na hindi na maayos ang kanilang pagsasama noong pandemya.

Ibinahagi niya rin na nitong January niya lamang napatawad ang kaniyang sarili sa kanilang failed marriage habang namamasyal sa Taiwan kasama si BB.

Ikinasal si Kylie noong 2018. Biniyayaan naman sila ng dalawang anak na lalaki na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

RELATED CONTENT: Take a look at Kylie Padilla's daring and powerful style below.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.