Tom Rodriguez, may 4-month-old baby na?
Mayroong big revelation ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez tungkol sa kanyang personal na buhay.
Sa short exclusive interview ni Nelson Canlas kay Tom na mapapanood sa Instagram, inamin ng huli na mayroon na siyang anak.
Pahayag ni Tom, “I feel great. He's my greatest source of inspiration… I just really wanted to keep it for myself. If someone wanted to ask… kapag nasa work ako, I happily share.”
Ibinahagi ng first-time dad na “Korben” ang pangalan ng kanyang anak at ayon pa sa kanya ay kuhang-kuhang nito ang kanyang dimples.
Ayon pa kay Tom, “He's four months today.”
Base sa naturang interview, sketches muna ni baby Korben ang maibabahagi ni Tom sa ngayon.
Matatandaang halos dalawang taon na nagpahinga ang aktor sa kanyang showbiz career matapos ang divorce nila ng Widows' War actress na si Carla Abellana.
Si Tom ay kasalukuyang napapanood sa GMA afternoon drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law. Siya ay napapanood dito bilang si Atty. Renan Alon.
Samantala, tingnan ang mga aktor na nagkaanak sa pagkabinata:
Paulo Avelino
Si Paulo Avelino ang ama ng anak ni LJ Reyes na si Ethan Akio o Aki. Taong 2013 nila tinapos ang kanilang relasyon.
Patrick Garcia
Nagbunga ang relasyon nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado ng isang lalaking anak, si Alex Jazz.
Dennis Trillo
Matagal bago inamin ni Dennis Trillo na siya ang ama ng sanggol na ipinanganak ni beauty queen Carlene Aguilar sa Amerika.
Piolo Pascual
20 years old pa lamang daw si Piolo Pascual nang mabuntis niya ang girlfriend na si Donnabelle Lazaro. Ang anak nilang si Iñigo ay isa na ring aktor ngayon.
Mark Herras
Ilang beses itinanggi ni Mark Herras na may anak na siya, pero inamin niya rin ito kalaunan. Ang kanyang anak ay si Ada Sofia Nicolette Herras.
Joko Diaz
Hindi man magkasama, maayos ang relasyon ni Joko Diaz sa panganay niyang si Maria Louise Nicole. Anak niya ito sa ex-girlfriend na si Angelu de Leon.
Richard Gutierrez
Sa reality show ng kanyang pamilya, inanunsyo ni Richard Gutierrez na may anak na sila ng girlfriend na si Sarah Lahbati, si Zion.
Jomari Yllana
Vic Sotto
Si Bossing Vic Sotto ang ama nina Danica, Oyo, Vico at Paulina. 19 years old pa lamang si Dina Bonnevie nang mabuntis siya ng ka-love team na si Vic, at ang sanggol na ito ay si Danica. Anak naman ni Vic si Vico kay Coney Reyes, habang ang ina ni Paulina ay si Angela Luz.
Paolo Ballesteros
Si Keira Claire ay anak ni Paolo Ballesteros sa ex-girlfriend niyang si Katrina Nevada.
John Lloyd Cruz
Co-parenting ang setup ni John Lloyd Cruz at ng kanyang ex-partner na si Ellen Adarna para sa kanilang anak na si Elias Modesto. Ipinanganak si Elias noong June 2018.
Bugoy Cariño
Noong 2020, kinumpirma ni Bugoy Cariño na isa na syang ama sa anak niya sa volleyball player na si EJ Laure.
Markus Paterson
Ipinakilala ni Markus Paterson ang kanyang anak na si Jude Trevor Paterson sa publiko sa pamamagitan ng isang vlog. Si Baby Jude ang anak ni Markus sa kanyang nobyang si Janella Salvador.
Daniel Miranda
Isang ama na rin si race car driver Daniel Miranda sa kanyang anak na si Zoe. Si Baby Zoe ang anak ni Daniel kay Sofia Andres.
Kristoffer Martin
Noong January 20, 2021, ibinahagi ni Kapuso actor Kristoffer Martin na siya ay isang ama sa kanyang four-year-old daughter na si Precious Christine or “Prè.” Ani Kristoffer, isang open secret ang kanyang anak sa kanyang showbiz friends at sinabing hindi siya naging absentee father. Kuwento niya kay Nelson Canlas sa '24 Oras,' “I have Prè and I love my daughter. I really love my daughter. I miss her every day. When I call her, I always tell her, 'Daddy misses you every day. Daddy loves you so much.'”
Dion Ignacio
Taong 2018 inamin ni Kapuso actor at 'StarStruck' alum Dion Ignacio na mayroon na siyang anak sa kanyang non-showbiz partner. Kasalukuyang inaalagaan nina Dion Ignacio at ng kanyang partner ang kanilang anak na si Dylanne Jailee.
Jake Ejercito
21 years old lamang si Jake Ejercito ng siya'y maging ama kay Ellie, kanyang anak sa dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann.
Marvin Agustin
Ang kambal na sina Sebastian at Santiago ay anak ni Marvin Agustin sa pagkabinata sa kanyang dating nobyan si Tetet Dy.
Sef Cadayona
Isang loving dad si Sef Cadayona kay Anya, ang kanyang anak sa kanyang non-showbiz partner na si Nelan Vivero.