Filtered By: Showbiz News | Relationship
Nathalie Hart
Source: Nherz Almo
Showbiz News

Nathalie Hart, nagsalita tungkol sa kanyang failed marriage

“I'm back.”

Ito ang bati ni Nathalie Hart nang humarap siya sa ilang piling entertainment media, kabilang ang GMANetwork.com, sa inihandang press conference ng Viva Artists Agency para sa kanya kahapon, October 4.

Ilang taon din hindi naging aktibo sa showbiz si Nathalie, at inamin niya na dahil natuon niya ang kanyang focus sa kanyang love life.

“May problema kasi talaga ako, e. Kapag ako ay nai-in love, bigla na lang akong nawawala, nagtatago na lang ako,” natatawang sabi ng aktres.

Noong August 2022, na-engage si Nathalie sa foreigner na si Brad Robert. Ikinasal silang dalawa noong July 2023. Ngunit hindi nagtagal, nauwi rin ang kanilang relasyon sa hiwalayan.

Aminado si Nathalie na naging tahimik siya tungkol dito. Sa unang pagkakataon ay nagsalita siya tungkol dito dahil, aniya, nagsimula na ang proseso ng kanilang formal na paghihiwalay.

“Nakakahiya kasi. I mean, yun naman ang totoo nun. It's not something that you should be talking about and share it to everybody,” sabi ng StarStruck alumna.

“But now, I think, because the paperwork is starting and everything; he's there and nandito ako, I've been here for a couple of months now; so sabi ko, puwede nang pag-usapan.

“Right now, both are moving forward. You know, you just wish them they could find happiness. So parang, puwede na nating pag-usapan.”

Katulad ng anumang failed marriage, inamin ni Nathalie, “Siyempre, nanghinayang [ako]. Lahat naman ng relationship, nakakapanghinayang kasi hindi nagtagal. Nakakalungkot din.”

Pero tila mabuti na rin daw ang kinahinatnan ng relasyon nila ng dating asawa dahil, aniya, “I think, what's really sad is you stay in a place na hindi naman kayo parehas na masaya. So sa akin, mas gusto ko na kung mas sasaya ako nang mag-isa ako, mag-isa na lang ako.”

Showbiz comeback

Kaya naman ngayon single na siya ulit, gusto raw ni Nathalie na mag-focus sa kanyang showbiz career.

Sabi niya, “Kapag hindi nag-work, bigla na lang akong sumisibol, 'I'm back!' Ready na po ako kung mayroon pang trabaho. Pero kung walang trabaho, e, di wala, ganun talaga.

“So now, I'm trying again. I think, I still have a few good years with me, so I like to try again. This year, may movies naman, that's good kasi three movies naman. Hopefully, I think, with TV, yun talaga ang gusto kong gawin.”

Dagdag pa niya, “I got all these offers and sabi ko, i-try ko nga. Then, tuluy-tuloy na. I am grateful for Viva that they're interested in me and they like me. Sabi ko, let's do it.

“Siyempre, hindi na rin ako bumabata, I am already in my early 30s, so let's grab everything I can. Kasi, the roles that I have now, they're not very sexy anymore.

“Isla Babuyan, that's very sexy. I think, that's the last sexy film I've. Now, there's comedy, there's thriller. You know, there's really nothing to show, it's really the acting piece and character.”

Sa huli, pabirong sinabi ni Nathalie, “Sabi ko, trabaho muna ako. Saka na 'yang pag-ibig, hindi natin kailangan 'yan.”

Samantala, tingnan ang ilang pang shocking celebrity breakups dito:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.