Filtered By: Showbiz News | Relationship
Zeinab Harake, Bobby Ray Parks Jr
Courtesy: zeinab_harake (IG), niceprintphoto (IG)
Showbiz News

Zeinab Harake, bakit lalong na-inlove kay Bobby Ray Parks Jr.?

By EJ Chua
May napansin si Zeinab Harake kay Bobby Ray Parks Jr. sa mismong proposal nito sa kanya. Ano kaya ito? Alamin dito.

Ang vlogger-actress na si Zeinab Harake ay happily engaged sa basketball player na si Bobby Ray Parks Jr..

Sa isang vlog ni Viy Cortez-Velasquez, nagkuwento si Zeinab tungkol sa kanyang partner.

Dito ay inalala niya ang isang bagay na napansin niya kay Ray sa mismong wedding proposal nito sa kanya.

Ayon kay Zeinab, bukod sa mga naging kaganapan sa special event, na-touch siya nang makita niya kung gaano ka-selfless si Ray.

Pahayag ng vlogger-actress, “Nung proposal, sobrang na-touch talaga ako sa kanya… kasi kahit siya hindi niya inisip sarili niya.”

Ibinahagi ni Zeinab na napansin niya noon ang outfit ni Ray.

Sabi niya, “Alam mo 'yung suot niya na coat nung proposal, 'yung pants niya, tuxedo niya at sapatos niya ilang beses na niyang nagamit 'yun...”

Pagpapatuloy niya, “Hindi niya man lang hinandaan 'yung sarili niya.”

“Nasabi kong grabe itong taong 'to, ang laki ng ginastos sa proposal pero hindi mo naisip na laanan 'yung sarili mo… wala siyang pakialam doon as long as sumagot ako, dumating ako, selfless siya,” dagdag pa niya.

Paglalarawan pa ni Zeinab kay Ray, “Si Daddy Ray ibibigay niya lahat. Mas magastos siya sa family, sobrang kuripot siya sa sarili niya.”

Matatandaang inanunsyo ni Zeinab ang tungkol sa engagement nila ni Ray kay Zeinab noong July 7.

Related gallery: Celebrities and vloggers react to Bobby Ray Parks Jr. and Zeinab Harake's engagement

Related Videos
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.