Gabbi Garcia, maraming naiuwi matapos ang one-month taping sa Europe
Umbot ng isang buwan sa Europe si Kapuso actress at Sparkle star Gabbi Garcia para sa taping ng upcoming series na Unbreak My Heart.
Ang romance drama series na ito ay ang historical collaboration ng GMA Network, ABS-CBN, at Viu Philippines.
Kasama ang co-stars niyang sina Richard Yap, Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, at marami pang iba, nag-shoot ang serye sa ilang lugar sa Switzerland pati na sa Milan sa Italy.
Marami raw bagong experiences at lessons ang naiuwi ni Gabbi matapos ito.
"May mga bagay na first time kong gawin, first time kong na-experience. Iba rin kasi lalo na when you're working remotely. Bagong pamilya pa ang kasama ko bilang first time ko halos lahat makatrabaho," kuwento ni Gabbi.
Isa rin sa most precious na naiuwi ni Gabbi ang newfound friendship niya sa co-star na si Jodi Sta. Maria. Nakapag-boding pa ang dalawa sa pamamagitan ng food trip sa Milan.
"She's very very very kind, genuinely kind person. Ang saya because I got to bond with her. We're both foodies. Para kaming naging travel buddies, especially sa last few days kasi nag-food tour kami," paggunita ni Gabbi.
Ngayong nasa Pilipinas na muli siya, balik na rin si Gabbi sa taping ng mythical megaserye na Mga Lihim ni Urduja.
"A lot of people are sending me messages kasi medyo may comedy angle 'yung chracter ko. It's my first time doing that kind of role. Natutuwa naman ako na natutuwa sila," aniya.
Panoorin ang buong panayam ni Gabbi Garcia sa 24 Oras sa video sa itaas.
SAMANTALA, SILIPIN ANG PAGLIBOT NG CAST NG UNBREAK MY HEART SA ITALY SA GALLERY NA ITO: