GMA Logo EA Guzman, Shaira Diaz, David Licauco
PHOTO SOURCE: @shairadiaz_
What's Hot

EA Guzman, nagselos ba sa mga eksena nina David Licauco at Shaira Diaz sa 'Without You'?

By Maine Aquino
Published November 30, 2026 8:01 AM PHT
Updated March 8, 2023 2:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rider who obstructs fire responders in Bacolod City identified
Student punches female classmate in Tagkawayan, Quezon
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman, Shaira Diaz, David Licauco


Ano ang sagot ni EA Guzman sa sinabi ni David Licauco na good kisser si Shaira Diaz?

Inihayag ni EA Guzman ang kaniyang saloobin sa tambalan ng kaniyang girlfriend na si Shaira Diaz at ng kaniyang leading man na si David Licauco.

Si Shaira at David ay napanood sa kanilang latest movie na Without You. Napanood na rin ang kanilang tambalan sa pelikulang Because I Love You noong 2019.

Sa ginanap na Beautéderm x Sparkle media conference ay itinanong kay EA kung nakaramdam ba siya ng selos sa mga eksena nina Shaira at David sa pelikula.

PHOTO SOURCE: @shairadiaz_, ea_guzman

Sagot ni EA, "Full support ako kay Shaira at kay David. Actually napanood ko siya sa isang block screening ng fans nina Shaira."

Ayon pa sa Sparkle actor, nakaka-proud mapanood ang pelikula ng kaniyang girlfriend at ni David.

"Siyempre ako naman, proud ako kasi maganda 'yung pelikula, napakahusay nila parehas doon."

Binigyang diin ni EA na hindi siya nagseselos sa tambalan nina Shaira at David. Paliwanag niya, "Si David naman kaibigan ko so walang selos factor and I trust him naman. Nakita ko naman sa kinalabasan ng pelikula."

Napabalita ring sinabi ni David na good kisser si Shaira. May ilang mga kissing scenes sina David at Shaira sa Without You.

Sa media conference kung saan ni-launch si EA bilang isa sa mga bagong Beautéderm endorsers ay nagbigay siya ng sagot sa sinabi ni David.

"Good kisser talaga si Shaira."

Nito lamang February 17 ay nag-celebrate sina EA at Shaira ng kanilang 10th anniversary.

BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA EA AT SHAIRA DITO: