GMA Logo allen ansay sofia pablo
What's Hot

Allen Ansay, inalala ang sweet meeting nila ni Sofia Pablo

By Kristian Eric Javier
Published March 6, 2023 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

allen ansay sofia pablo


Dahil sa isang stolen shot, nagsimulang magkakilala sina Sofia Pablo at Allen Ansay. Alamin ang kuwento rito:

Inamin ng Luv Is: Caught in His Arms star na si Allen Ansay na hindi pa man siya artista ay crush na niya ang co-star na si Sofia Pablo. At nang sa wakas ay nasa parehong stage na sila, ikinuwento naman niya ang kakaiba at sweet na pagkakakilala nilang dalawa.

Sa interview nila sa podcast na Updated with Nelson Canlas, ikinuwento ni Allen kung papaano niya nakilala si Sofia na nagsimula sa pag-upo niya sa make-up chair nito at sa isang stolen picture.

Ayon kay Allen, ilang beses na silang nagkakasabay ni Sofia bilang guests sa dating weekly variety show na Sunday PinaSaya at ang pumalit dito na All-Out Sundays. Gayunman, hindi raw niya alam kung paano makikipag-usap sa dalaga, hanggang sa nabigyan siya ng pagkakataon sa isang guesting nila.

Pag-aalala niya, “Nag-guest ulit kami sa Sunday PinaSaya, 'tapos pumasok ako doon sa isang room kasi tinawag ako ng make up artist niya. Sabi niya 'Halika dito umupo ka na, ikaw na aayusan ko.'”

“So, umupo po ako doon, 'tapos, pag-upo ko doon biglang pumasok si Sofia. 'Tapos, pagpasok niya, na-starstruck ako. Maya-maya lang, parang nakatingin siya sa akin. 'Tapos sabi ko, bakit parang nakaharap sa akin yong phone anong gagawin ko? So, parang sa isip ko pinipiktyuran ba ako nito?” dagdag pa ng aktor.

Ipinaliwanag naman ni Sofia na ang pagkuha niya ng picture kay Allen ay para magsumbong sa mommy niya dahil, ayon sa aktres, nagpapa-ayos si Allen sa personal make-up artist ni Sofia.

Ayon kay Sofia, dahil marami silang artista na inaayusan sa Sunday PinaSaya, naisip nila ng mommy niya na kumuha na siya ng personal make-up artist para mas maayusan siya.

“So, nagulat nga po ako pagpasok ko nakaupo siya doon sa personal make up artist ko, na-shock ako kasi, 'Ha? Bakit may nakaupo?'” paliwanag ni Sofia.

Nang tanunging siya bakit niya kinunan ng picture si Allen, ang sagot ng dalaga, “Para isumbong. “

“Yong room kasi noon puro girls po, sila Ate Kyline, si Ryza, so mas lalo po akong na-shock na may lalaki po na nakaupo sa makeup artist ko. So, pa-simple po ako,” dagdag nito.

Pero kahit sa makeup artist niya ito nagpaayos ay nahiya pa rin daw si Sofia na paalisin si Allen at inintay na lang matapos.

Ano naman ang ginawang first move ni Allen para makuha ang loob ni Sofia? Dinaan niya ang “presko” na gusto niyang sabihin sa emojis.

“E, presko yung gusto kong sabihin gamit yung emojis po, so nagsend ako sa kaniya, tapos hindi ko inexpect magrereply po siya tapos doon na nagsimula yung nag uusap na po kami,” sabi ni Allen.

Pakinggan dito ang kabuuan ng panayam kina Sofia at Allen dito:

TINGNAN ANG ILAN SA MGA SWEET MOMENTS NILA ALLEN AT SOFIA DITO: