
Hindi napigilan ni David Licauco ang maluha habang nakikinig sa spoken poetry na inihanda ng isang fan.
Isang maiksing programa ang inihanda ng fans ni David bago ang block screening ng kaniyang pelikulang Without You sa Ayala Malls Cloverlead noong Miyerkules, February 15.
Dito, nag-alay ang isang fan ng isang spoken poetry para sa Maria Clara at Ibarra actor. Habang nakikinig, mapapansing pinipigilan ni David ang lumuha.
Sa TikTok video na in -upload ng isang fan, nakasulat ang kanilang obserbasyon sa aktor, “Look at the way he hold back his tears as fan delivers spoken poetry.”
At di kalaunan ang tumulo na ang luha ng aktor.
@jhellustrous @David Licauco was so overwhelmed by all the love from his fans :>>> definitely, a night to remember :)) #davidlicauco #gettogetherwithdavid #withoutyoumovie #valentinesdaygift #davidtroops💙 #fypシ ♬ Iris - Natalie Taylor
Bukod sa spoken poetry, isang fan din ang kumanta ng “Awit ni Klay (Para kay Fidel)” at inialay ito kay David, na gumaganap bilang Fidel sa hit historical portal series ng GMA Telebabad.
Ang kantang ito ang orihinal na sinula ni Jabs Valencia para kina Fidel at Klay, ang unexpected love team ng Maria Clara at Ibarra.
Sa nakaraang panayam kay David, sinabi niyang hindi nila inasahan ang pagsikat ng tambalan nila ni Barbie Forteza sa serye.
“Nagulat ako na ganun ang success ng Maria Clara at Ibarra because at the start, I was just a supporting character, e. 'Tapos, eventually, naging main character siya, mas doon ako nagulat. Kumbaga, sobrang tinanggap ng mga tao and the hype is like very on top talaga.”
Abangan pa si David, Barbie, at Dennis Trillo sa nalalapit na pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra.
Magkakaroon din ng thankgiving fans' day sina David at Barbie sa Linggo, February 26, sa Ayala Malls Cloverleaf sa Quezon City.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA LARAWAN NINA DAVID AT BARBIE BILANG SINA FIDEL AT KLAY: